6 PNP officials na sabit sa Euro generals sinuspinde

PINATAWAN NG tanggapan ng Ombudsman ng anim na buwang preventive suspension na walang bayad ang may anim na  opisyal ng Philippine National Police na nahulihan ng malaking halaga ng pera sa Moscow, Russia noong 2008.

Sa 16 na pahinang kautusan ni Ombudsman Ma. Merceditas Gutierrez, pinasususpinde nito sina Special disbursing officer Samuel Rodriguez; Finance Service Director Orlando Pestano; Budget Division Director Tomas Rentoy III; Police Superintendent Elmer Pelobello; Directorate for Human Resources at Doctrine Development Director German Doria at Directorate for Operations Director Silverio Alarcio Jr.

Ang mga nasabing opisyal ay kabilang sa naunang sinampahan ng kasong administratibo ng Field Investigation Office ng Ombudsman kasama ng mga retiradong sina  Avelino Razon ng PNP, Romeo Ricardo, Emmanuel Carta, Ismael Rafanan, Jaime Caringal at Eliseo dela Paz na naharap sa mga kasong grave misconduct, dishonesty; at conduct prejudicial to the best interest of the service.

Si Pelobello umano ang nag-ayos ng travel allowances ng mga opisyal na hindi kinonsidera ang limitasyong nakasaad sa ilalim ng Daily Subsistence Allowance, Rules on Austerity measures (AO No. 13) at travel ban ng isang taon sa mga retiradong opisyal.

Samantalang sina Rodriguez, Rentoy at Pestano ay kumuha ng pera sa PNP Confidential and Intelligence Fund.

Kabilang din sa mga nakumpiska ang pera ng asawa ni Dela Paz na napag-alamang pribado at hindi idineklara sa SALN ni dela Paz.

Inatasan ng Ombudsman si PNP Chief Director Gen. Jesus Verzosa na ipatupad ang nasabing kautusan.

Nag-ugat ang kaso sa umano’y maanomalyang pagtungo ng mga ito sa Russia noong Oktubre 2008 bilang delegasyon ng Pilipinas sa 77th Interpol General Assembly sa St. Petersburg Russian Federation. Alex Ching

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply