6 turista ‘nadale’ sa Maynila

INIIMBESTIGAHAN ngayon ng Manila Police District (MPD) ang sunod-sunod na pagnanakaw sa mga turista  kabilang ang limang Japanese national, isang Koreano at British National sa magkakasunod na araw sa Maynila.

Dumulog sa tanggapan ng MPD-General Assignment Section (GAS) ang biktimang sina Kichiro Takata, 39, tubong Kurobe Ikyugi 572 Japan at pansamantalang nanunuluyan sa Rothman Hotel sa Adriatico St., Malate, Manila; Yasuyuki Kakimura, 43 ng Nakamachi Setagaya Tokyo, Japan ng Room 1415 Diamond Hotel, Roxas Blvd., Ermita, Manila;Sasaki Naoya, 38, ng 15 Ducay St., Nagtingan, Binangonan, Rizal at Masimiro Saginara, 59, pansamantalang naunuluyan sa Rothman Hotel, Adriatico St., Malate, Manila.

Sa report ng pulisya, dakong 11:00 ng umaga nang mabiktima si Takata ng isang di nakilalang suspek sa harapan ng tinutuluyang hotel  habang dakong 6:15 ng gabi nang tangayin  ang gamit at cash ni Kakimura sa ng Locha Spa sa Maria Orosa St., Ermita Manila ng dalawang hinihinalang Pakistani national.

Tatlong di nakilalang pulis na nakatalaga sa MPD-District Special Policed Unit (DSPU) ang itinuturo ni Takata  na tumangay ng kanyang mga gamit at cash sa  Mabini St., Ermita, Manila dakong 10:30 ng gabi. Ang insidente ay pawang naganap noong Biyernes.

Dakong 10:30 ng umaga noong Sabado nang mabiktima naman ng di nakikilalang suspek si Saginara sa lobby ng Rothman Hotel sa Adriatico St., Malate.

Tinatayang  P40,000 cash at kagamitan ang natangay ng apat na batang lalaki kay  Woo Jae Nam, 52, na nanunuluyan sa isang hotel sa Angeles City  habang naglalakad ito dakong 1:00 ng hapon noong Huwebes sa Mabini St., Ermita.

Isang Lap top naman ang natangay kay Ball Sam, 21, isang British national at nakatira  Room 313 Pearl Garden Hotel  sa  Maria Orosa at Gen Malvar Sts., Malate Manila dakong 8:00 ng gabi noong Huwebes. Jocelyn Tabangcura- Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply