Walong milyon Pinoy, Hepa-B carrier

LUBHANG  nabahala ngayon si Sen. Pia Cayetano sa ulat ng World Health Organization (WHO) na umaabot sa mahigit walong milyong Pinoy ang tinaguriang carrier ng Hepatitis B Virus (HPV) .

Ibinabala ito ni Cayetano matapos ihain ang panukalang  batas na: “An Act Requiring Immunization Services Against Hepatitis B for Infants” ,  upang maiwasan ang pagkakalat ng sakit at mapangalagaan ang bagong silang  na sanggol.

“Hepatitis B is a public health problem that is silently stalking our people. The disease is endemic in our country and affects around 16 percent of the population. HPV can cause life-long infection, cirrhosis of the liver, liver cancer, liver failure and ultimately, death.,” giit ni Cayetano.

Sinabi ni Cayetano na madaling kumalat ang sakit dahil kahit nag-iisang virus particle lamang ay magdudulot ng impeksiyon at maaaring maikalat sa pamamagitan ng dugo at iba pang likido sa katawan tulad ng seminal fluid, vaginal secretion, luha, laway at butas na balat.

Layunin ng panukala na naihain na para pagdebatehan sa plenaryo matapos makumpleto ang committee report no. 3 na pinangunahan din nina Sens. Antonio Trillanes IV at Francis Escudero.

Biktima ng naturang sakit ang ama ng senador na si dating Sen. Rene Cayetano na namayapa noong 2003.

“Hepatitis B is a debilitating disease which inflicts physical and emotional anguish on the patient. Family members likewise suffer from seeing their loved ones in pain. The treatment is also financially draining. All these I have personally experienced as my father was afflicted with this ailment,” giit niya.  Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply