9 estudyante nilimasan sa sinakyang van

NATANGAY ng dalawang armadong lalaki sa siyam na estudyanteng sakay ng pampasaherong L-300 van ang malaking halaga ng salapi, cellphone at personal na gamit nang magdeklara ang mga ito ng holdap kahapon ng umaga sa Pasay City.

Nag-iyakan na lamang sa takot ang mga biktimang sina Maria Amparo Lumagui, 25, Francisca Guevarra, 18, Luarence Ramirez 16, Gillan Klaris De Romas, 17, Rey-neth Atienza, 16, Raquel Toca, 18, Kristine Grace Leonardo, 20, Anna Mayleen Fermin, 19 at Robert Maru Vallo, 18, nang samsamin ng dalawang suspek na kapwa armado ng hindi pa batid na kalibre ng baril ang lahat ng kanilang personal na gamit at salapi habang sakay ng van dakong alas-6:20 ng umaga bago umakyat ng flyover ng Roxas Boulevard at EDSA.

Sa pahayag ng driver ng van na may plakang UVC-542 na si Darwin Barcelo, 38, ng 19 San Jose St., San Antonio Valley, Parañaque City kina SPO2 Rodel Torres at PO3 Simon Respicio, Jr., sumakay sa kanyang van ang mga suspek sa Dr. San-tos Avenue at kapwa umupo sa likurang bahagi ng sasak-yan saka nangholdap.     AMOR VIRATA

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply