97 OFWs torture victims, balik Pilipinas

DARATING ngayong umaga  ang 97 Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Kuwait makaraang silang makaranas ng labis na kalupitan at kabiguan sa kanilang pangingibang bansa.

Nabatid na dakong  1:00 ng madaling araw inaasahang darating ang OFWs sakay ng GF 156 kasama ang ilang opisyal ng DOLE at OWWA.

Sa ulat na ipinarating ni Labor Secretary Rosalinda Dimapilis-Baldoz sa OWWA mula sa pakikipag-ugnayan ni Labor Attache Vivo Vidal, binalikat ng gobyernong Kuwait ang pamasahe sa eroplano ng mga Pinoy.

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Carmelita Dimzon, umabot na sa 900 OFWs kasama na ang ilang bata mula sa Jeddah , Bahrain at Kuwait ang tinulungan ng gobyernong Kuwait upang makauwi nang libre sa sariling bansa mula pa noong buwan ng Marso.

Pinakamalaking bulto ng Pinoy ang umuwi noong huling linggo ng Hulyo matapos maaprubahan ang kanilang mga dokumento sa ilalim ng repatriation program ng DOLE.

Inalok sila ni Dimzon na pansamantalang manatili sa OWWA Halfway House hanggang hindi pa sila nauuwi sa kani-kanilang mga lalawigan.

Bibigyan sila ng libreng pagkain, isasailaim sa stress debriefings, at orientation para sa livelihood assistance package ng DOLE.

Pinayuhan ni Dimzon ang mga nagbabalak na mangibang bansa na gumamit ng working visa sa halip na tourist visa upang hindi malagay sa alanganin.

May mga dinakip at napiit ng mga Pinoy na gumamit ng tourist visa at napiit dahil sa paglabag sa immigration law. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply