Acting PostGen ng Philpost itinalaga ng CICT Chairman

Itinalaga kahapon ni Chairman Ivan John Enrile Uy ng Commission on Information and Communications Technology (CICT) si Assistant Postmaster General Antonio de Guzman bilang officer in charge (OIC) ng Philippine Postal Corporation.

Ang pagtatalaga kay de Guzman, isang abogado at pinaka-senior career officer ng Philpost, ay iniatas ni Chairman Uy sa kanyang CICT Order No. 080 na may petsa September 23.

Kaagad sinuportahan ng mga opisyales at manggagawa ng Philpost si CICT Chairman Uy at ang kanyang pagtatalaga kay de Guzman dahil sa kanyang kaalaman sa pagpapatakbo ng Philpost. Siya’y kawani ng Philpost ng 43 taon na.

Pinalitan ni de Guzman si dating Postmaster General Hector RR. Villanueva na namuno sa Philpost ng halos 4 na taon.

Sinabi ng Save the Philpost Movement na napapanahon ang pagtatalaga ng OIC sa Philpost ayon sa kautusan ni Pangulong Benigno S. Aquino III dahil sa patuloy na pagbulusok ng kita ng Philpost. Mula noong 2006, kulang-kulang P1 bilyon ang ibinagsak ng kita ng Philpost.

Umapela ang mga manggagawa ng Philpost kay Chairman Uy at kay OIC de Guzman na tutukan ang maraming problema, katulad ng non-remittance ng kontribusyon at bayad ng mga empleyado sa Government Service Insurance System (GSIS), Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth), Pag-Ibig Fund, Provident Fund Office, Philippine Postal Savings Bank at iba pa na umabot na sa mahigit P300 milyon.

Dahil dito, hindi nakakautang at hindi nabibigay ang mga benepisyo ng mga manggawa ng GSIS, Pagi-Ibig Fund, Philhealth at iba pa. Ang mga nagkakasakit na manggagawa at kanilang pamilya ay hindi natutulungan sa ospital at kanilang medisina ng Philhealth.

Bukod dito, may mga lote at gusali ang Philpost na maaaring maremata ng bangko dahil sa hindi pagbabayad ng Philpost sa pagkakautang na mahigit na P250 milyon.

Umapela rin ang mga manggawa sa Philpost na sugpuin ang talamak na nakawan ng sulat at parcel, gayundin ang apat na unod na hijacking ng mail vans ng Philpost.

Marami pang mga benepisyo ng mga kartero at ibang manggagawa ang hindi nababayaran ng management kaya umiiyak ang maraming manggagawa ng Philpost.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply