Aksyon ng Remate Expose at tama na durog na ang Pinas

MAGANDANG balita ang hatid ng ULTIMATUM sa ating mga tagasubaybay ng REMATE, Remate Tonight, remate.ph at Meet the Press.

Kung mapapansin n’yo, mga Bro, ay naging seryoso ang ULTIMATUM sa expose na ating ginagawa.

Noong una ay inilalabas lang natin kung ano ang mga nangyayaring kalokohan at anomalya sa iba’t ibang lugar.

Ngayon ay sasampahan na po natin ng kaukulang reklamo sa Ombudsman ang mga nabubuking nating tarantado sa taumbayan.

Pinag-aaralan din po natin kung paano kakasuhan ang mga alkalde na kumukunsinti sa human trafficking na tulad nina Mayor Jun Bernabe ng Paranaque City at Mayor Recom Echiverri ng Caloocan City.

Mukhang mayroong nakikinabang sa mga putahan kaya kahit na anong kalampag natin ay nananatiling bulag at bingi ang dalawang inutil na alkalde.

Doon naman sa nabuking natin sa Registry of Deeds ng Valenzuela…hintayin n’yo na lang d’yan ang subpoena n’yo para malaman n’yo kung ano ang hinahanap n’yo.

Doon naman sa nakuhanan nating bilyaran sa tapat mismo ng UST, yung Dapitan Recreation Center at ang Balay Lounge na inuman ng mga estudyanteng naka uniporme pa. Pinasyalan na ito ng Permits and Licensing Office ni Mayor Lim.

Siyempre! Namimiligro nang masara ang mga abusadong negosyo na yan

oOo

Tama na! Sobra na! Durog durog na ang bayan ni Juan!

Yan ang isinisigaw ng ating uzi makaraang malaman nito na hindi lang ang binuong komite ng Palasyo ang nag-iimbestiga sa nangyaring Quirino Grandstand Hostage Drama. Makikisawsaw din ang Senate Committee on Mass

Media and Communications ni Sen. Gregorio Honasan para mahimay raw ang pangyayari.

Anak ng pitong putakte! Sa bawat imbestigasyon na ginagawa ng kahit na sino sa  bansa ay siguradong kahihiyan ang idudulot nito na para bang lalo nating sinasariwa ang nangyaring kapalpakan dun sa Luneta na kumitil sa buhay ng mga inosenteng turista.

Marami ang itinuturong may pagkakasala sa nangyari pero kakaunti ang naririnig natin na nagbibigay ng solusyon karamihan ay pinag-uusapan lamang ang problema.

Hindi kaya mali yun, mga Bro? Ang sakit na sa tenga!

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply