Alex Gonzaga, hinaharas sina Ykka at Ynna Asistio

USO ba talaga ang awayan ng mga artista. Habang lumalamig na ang  awayang  Claudine Barretto-Angelica Panganiban, Marian Rivera at Bela Padilla, Mariel Rodriguez at Toni Gonzaga, ang latest naman ay si Alex Gonzaga kina  Ykka at Ynna Asistio na kasama niya sa  programang ‘PO5.’

Hina-harrass diumano ni Alex ang magkapatid pero nalaman namin na biru-biruan lang ‘yun.

Nag-text kami kay Alex  para kunin ang  side niya. Alam namin na hindi ugali  ni Alex ang ganun. Kilala rin namin  na mapagbiro ito  sa kuwentuhan kahit sa mga press people. Baka hindi lang nila masakyan ang biro ni Alex.  Pero alam namin na hindi niya mine-mean ‘yun pag nakakapagbitaw man siya ng ganoong salita.

Kung oobserbahan mo si Alex, ganoon lang talaga siya. Panoorin mo siya sa ‘Juicy’ kung paano niya biru-biruin si Shalala.  Hindi naman maldita ‘yan si Alex at imposibleng mang-api yan ng kapwa artista.

“Naku, ‘wag na po natin palakihin ang issue kasi nagkausap na po kami nina Tita (Nadia). Okey na po. He!he!he! Misunderstanding lang. God Bless,”  text ni Alex sa amin.

Sabi na nga ba,e!

ENCHONG DEE, SUSUNOD SA YAPAK NINA JOHN LLOYD AT JERICHO

Naniniwala  kami na si Enchong Dee ang susunod sa yapak nina John Lloyd Cruz  at Jericho Rosales.Habang tumatagal ay lumalalim ang acting niya.

Sa pelikulang ‘ Sa ‘Yo Lamang’ at sa primetime series ng taon na ‘Magkaribal’ ay lalong nag-improve ang acting ni Enchong.  Kaya hindi  kami magtataka na binigyan sila ni Erich Gonzales para magbida sa pelikulang  ‘I Do’  ng Star Cinema na showing ngayon.

Klik ang tandem nina Enchong at Erich dahil hindi nila binobola ang tao na may relasyon sila. Pero, close sila sa isa’t isa .  “Itong pagsasama namin hindi naman ito basta trabaho, kumbaga marami pang bagay na sa amin lang, tulad ng pagkakaibigan. Wala pa kami sa estado na may commitment sa isa’t isa,” sey ni Enchong.

Ayon pa kay  Enchong na wala naman daw siyang dapat ikaselos  kina Coco Martin at Paul Jake dahil hindi raw siya binibigyan ng dahilan ng  young actress  para magselos.

‘Yun  na!

***
Congrats kay  Ogie Diaz dahil  after 18 years nagbunga ang kanyang loyalty sa Kapamilya network. Pinapirma siya ng contract at magkakaroon daw siya ng isang talk show at isang teleserye.

So, bukod sa pagiging abala niya sa pagsagot sa Twitter, pagkakaroon ng radio program sa DWIZ tuwing 11 a.m. at pagma-manage ng mga artista, mas lalo siyang magiging aktibo ngayon sa telebisyon.

Katuwa naman.

-0o0-

Gaganapin ang musical variety show at rampahan  na Indieguyz 3 sa Sabado (Oktubre 2) nang 9:00 PM sa Ratsky Morato, QC.

Magbibigay-aliw sina Sherwin Ordoñez, Justin de Leon, Rain Javier, Raymond Cabral, Bugz Daigo, Will Sandejas, Ardie Bascara (aka Basti Romero), Charles Delgado at Nicolas Bacani.

Guests naman sina  Maricar Madrid, Michelle Estevez,Angela Maxwell, Barbie Valdez, Sheryl Trias at Lemuel Santos. Roldan Castro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply