All out war vs colorum vehicles, idineklara ng LTFRB

NAGDEKLARA na ng all out war campaign laban sa mga colorum at out of line public utility vehicles sa Metro Manila ang bagong hepe ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB)

Ayon kay Atty. Nelson Laluces, bagong Chairman ng LTFRB, sinisimulan na ng ahensiya ang pag-iimbentaryo sa mga pampublikong sasakyan na naglipana sa kahabaan ng Edsa na inaasahang matatapos sa susunod na buwan bago walisin ang mga colorum at out of line vehicles.

Sinabi ni Laluces, ang hakbang ay bahagi ng paghihigpit sa pagpapatupad sa mga batas at patakaran ng ahensiya para sa mga pampasaherong sasakyan nationwide, partikular sa Metro Manila.

Aniya, hindi rin  tatanggap ang ahensiya ng mga prangkisa  sa mga lugar sa Metro Manila na sobra na ang dami ng kanilang bilang.

Sa gagawing pag-imbentaryo ng mga pampasaherong sasakyan partikular na ang mga nabiyaheng bus sa kahabaan ng Edsa ay kasama nila ang Land Transportation Office, Metro Manila Development Authority.

Batay sa  record ng LTFRB , may mahigit sa 5,000 ang tumatakbong bus sa araw-araw sa kahabaan ng Edsa. Santi Celario

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply