Anak na may tumor paulit-ulit hinalay ni itay

“ISANG beses lang yun, lasing ako pero hindi ko siya ni-rape hinawakan ko lang siya sa ari niya.”

Ito ang depensa ng 53 anyos na karpintero matapos magsumbong ang 15 anyos niyang anak hinggil sa paulit-ulit na panghahalay umano nito sa tuwing sila lang ang maiiwan sa kanilang bahay sa Vitas, Tondo Manila.

Agad isinailalim sa masu-sing interogasyon ng Manila Police District-Children and Women Protection Unit ang suspek na nakilalang si Boni-facio Ordonez kaugnay sa reklamo ng anak nito na itinago sa pangalang “Amor.”

Nabatid sa report ng pu-lisya, may tumor ang dalagita at paralitiko na ang kalahating katawan.

Napag-alaman sa ulat kay P/Chief Insp. Anita Araullo, nito lamang Lunes ng gabi inaresto si Ordonez.

“Madalas niya akong ginagahasa. Maraming beses na hindi ko alam kung ilan,” pahayag ng dalagita sa mga awtoridad.

Ang pinakahuli umanong panghahalay ay naganap noong Linggo. Pagkaraan ay nagsumbong na ang dalagita sa kanyang ate Irma na siyang nagsama sa kanya sa pulisya upang maghain ng reklamo sa ama. Rene Crisostomo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply