Anak ng Kenyan taob sa promdi

KINAWAWA ng promding alaga ni Quezon Gov. Jay-Jay Suarez ang naghaharing-uring Kenyan runner sa ginanap kahapong Run for Help Free Education sa McKinley Hills ng Taguig City.

Nagbunga ng maganda ang pagkuha sa trangko ng 18-anyos na si Jenismyll “Jheng” Mabunga sa  unang 13 minuto pa lamang nang paputukin ang starting gun ng  tampok na distansiyang  15-kilometro.

Walang lingon-likod na tumawid ng meta ng high school graduate na si Mabunga, matapos  kumawala sa paboritong si Susan Jemutai  sa tiyempong 57 minuto at isang segundo para sa titulo.

Hindi nakaporma,  kundi magkasya sa  likuran ng 4’11” na si Mabunga si Jemutai (1:00:30), samantalang pumangatlong puwesto si Nhea-An Barcena (1:00:39), sa larong isinaayos nina race director Rey Antoque at Cris Sabal ng Hope For Economic Liberty & Peace.

Nauwi sa Kenyang si Anthony Chiptoo (45:36) ang pagdomina ng 15-kilometrong distansiya, pumangalawa ang Armyman ng SSU na si Alley Quisay (46:25) at pangatlo ang isa pang Kenyan – – si Willy Kiprem (46:37).

Kampeon sa side event na 10-kilometrong ruta,  ang Kenyan runners na sina Philip Ronoh & Irene Kipchumba, naka-pilak sina Carlito Magua & Luisa Raterta ng frontRUNNER at naka-tanso sina Bryan Humigkig at Marecil Maquilan.

Sina Melvin Guarte & Serenata Saluan ang siyang nangibabaw sa limang kilometrong layo, pangalawa sina Jujet de Asis & Jela dela Rosa  at pangatlo sina Justin Tabunda & Josie Malacad.
Tinutudlang magbigay ng libreng edukasyon sa mga naghihikahos sa buhay ang patakbong ito, samantalang nagsitanggap ng medalya at salaping gantimpala ang mga nanlo sa karerang tinangkilik din ng POCARI Sweat. Ed Paez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply