Anak ni Asistio barangay chairman pa rin– Comelec

IDINEKLARA ng Commission on Elections (Comelec) na nanalong punong barangay sa Caloocan City ang anak ni dating Congresswoman Aurora “Nene” Asistio Henson na si Ma. Aurora “Onet” Asistio-Henson Jr.

Binaligtad ng Comelec Second  Division ang naunang hatol ni Caloocan City Metropolitan Trial Court Judge Josephine Advento-Vito Cruz na nagpapatanggal sa batang Henson sa puwesto bilang Punong Barangay ng Barangay 80, District 1 ng Caloocan City.

Sinabi sa  resolusyon nina Comelec Commissioners Nicodemo Ferrer at Lucenito Tagle, hindi andaya sa halalan si Henson.

Nilinaw ng mga komisyuner na  legal ang naging panalo ng batang Henson laban sa kalaban na si Elenita Isip.

Binigyang diin ng Comelec na hindi nasunod ang nakasaad sa Rule 14, Section 2 ng Rules of Procedure on Election Cases kung saan ay dapat maipaliwanag at magkaroon ng sapat na basehan ang anumang akusasyon na ang mga botong lumabas sa isang halalan ay lagda ng iisang tao lamang.

Dahil dito, mananatili pa rin sa puwesto si Henson at tuluyang ibinasura ng Comelec ang naging desisyon ng mababang hukuman. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply