Angeli Valenciano tinawag na ‘pangit’ ni Annabelle Rama

NAGPANG-abot naman itong si Annabel Rama at Angeli Valenciano na kung saan ay kinompronta nga raw ni Bisaya itong si Angeli at sinabihang ‘pangit!’

Buti nga raw at salita lang ang narinig ni Angeli at walang pisikal na nangyari ayon pa sa aming tsismosang kapitbahay.

Humagulgol daw itong si Angeli na dyowa ni Gary V. sa tinurang  ‘yun ng mudra ni Ruffa Gutierrez. Nag-ugat daw ‘yun ng magkomento itong si Angeli at sinabi nito kay Ruffa na hindi bagay na magpa-enhance.

Dahil sa katagang ‘yun ay tila hindi yata nagustuhan ni Ruffa kaya may I sumbong daw ito kay Annabelle. Kaya  nung mag-abot at magkita sina Annabel at Angeli sa birthday ni Ogie Alcasid ay doon na nangyari ang katagang ‘pangit ka kasi’ at hindi na nga raw gumanti pa si Angeli kundi umiwas na lang siya sa gulo.

Marami tuloy mga tsismosang kapitbahay na hindi na daw dapat nagsumbong si Ruffa na umiral ang pagiging mama’s girl nito.  Knowing naman natin si Annabel na kapag nakakanti ang anak ay talagang susugod at sisitahin kung sino ang may sala.

Kakalerka, di  ba? Hanggang saan kaya aabot ang awayan na ito? Makialam kaya si Gary V. sa gusot?

Abangan!

DINGDONG DANTES, UMATRAS SA HAMON NI BAYANI AGBAYANI

ISA pa rin sa nakakuha ng atensyon sa nakaraang bertdey ni Ogie Alcasid ay itong paghahamon ni Bayani Agbayani ng suntukan dito kay Dingdong Dantes.

Ayon naman sa aming tsismosang kapitbahay, tila napikon si Dingdong sa mga biro nitong si Bayani na lasing na din ng gabi na ‘yun.

For respeto nga raw sa may bertdey ay hinamon ni Bayani ng suntukan si Dingdong sa labas para raw walang aawat.

Para raw bingi si Dingdong at walang narinig sa hamon ni Bayani na suntukan at dagdag  sitsit pa ng aming tsismosang kapitbahay na umurong daw ang bayag ni Dingdong sa pakikipagsuntukan kay Bayani.

O, di ba, isa pang nakakalerka na tsika ng aming tsismosang kapitbahay ang ikinawiwindang ng Pipol of the World sa kaguluhan sa bertdey ni Ogie.

Thankful naman ang lahat at hindi nag-abot at hindi nagsuntukan itong sina Dingdong at Bayani. Tunay na away ang ibubulalas ng aming tsismosang kapitbahay sa susunod.

Abangan!

8TH CHILDREN’S POWER, IKINAKASA NA!

Sa nalalapit na pagkakasa sa nalalapit na 8th Children’s Power na tentatively sa December ay muling maglalaban-laban ang lahat ng kabataan na may angking talento—singing, dancing, akting, modelling at iba pang mga kategorya.

Happy naman ang pamunuan ng TOP Foundation sa patuloy na suporta ang pagtitiwala ng ilang malalaki at kilalang personalidad na sumusuporta dito sa Kaibigang Muska na pangunahing bituin ng ikinakasang 8th Children’s Power.

Patuloy pa rin sa paghahanap ng bagong talento ang pamunuan ng TOP sa kanilang regular show sa Ever mall.
Hindi naman makapaniwala si M.R.S. na nakaabot na sila sa ika-walong taon at inaasahan naman ng TOP na mas lalo pang triple ang paglobo ng sasali na kabataan sa iba’t ibang paaralan sa ating bansa.

Kahit nasa kolehiyo ang mga Kabigang Muska, pero ang taunan nilang Children’s Power ay nandoon sila para maging inspirayson para sa kabataan.

Magiging abala din ang presidente ng TOP na si Sonny Rodriguez at mga kasama na sina Kuya Marito at Ate Josie.

‘Yun na! Babuska! INBOX/Jovi LLosa

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply