Anggulong friendly fire sa hostage humina

HUMINA na ang ‘conspiracy theory’ at  ang anggulong may ‘friendly fire’   na nakapatay sa mga napatay na
Hong Kong nationals na ibinatay sa mga nakuhang pahayag sa ilang survivors  na nasa Hong Kong, sa madugong   August 23 hos-tage-taking sa loob ng Hong Thai tourist bus.

Hindi umano masasabing ang kawalan ng ‘tattooing’ o mga sugat sa mga katawan ng walong namatay na dayuhan ay hindi nangangahulugan na hindi sila malapitang binaril o biktima sila ng ‘friendly fire’.

Nabatid na ang mga nakasaad sa sinumpaang salaysay ng tatlo sa limang survivors ay nagtugma sa sinumpaang salaysay naman ng driver ng bus na si Alberto Lu-bang na malapitang binaril ang mga biktima ni hostage taker Capt. Rolando Mendoza, gamit ang M-16 rifle.

Gayunman, ang ballistic examination  ay isinagawa sa Hong Kong  dahil  may advanced technology sa ballistic scanning at  procedure sa nasabing bansa at natapos ito sa loob ng dalawang  araw bagama’t ang Integrated Ballistic Identification System (IBSI)  ay sa Pilipinas isinasagawa na hinihintay pa ng Incident and Investigation Review Committee ang magiging resulta. Ann P

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply