Ano ba ‘yan Mayor Mon Ilagan?

KAPAG napuwesto ang isang politiko, pilit pinaluluklok ang mga kadugo o kamag-anak nila. Maging asawa, anak o pinsan, pati yata aso nilang alaga ay patatakbuhin sa politika.

Wala nang naipakitang maganda sa termino ng  panunungkulan ay pauupuin din ang isang kaanak na alam  ng lahat na walang magagawang maganda sa bayan.

Usung-uso talaga ang lintek na politikong dinestiya! Punyemes at kailan kaya mababago ang ganitong sistema sa ating lipunan?

Sa halip na sumulong ang bansa’y lalong nalulugmok sa kahirapan, lalo pa nga’t kung ang ipupuwestong kaanak ay masasabing malaki ang interes sa katiwalian!

Isa na nga rito ang bayaw ni Cainta Mayor Mon Ilagan na si alyas Buboy na tatakbo raw bilang barangay tserman sa Bgy. San Isidro.

Ibinulong sa atin ng aming MATANG GALA, na si alyas Buboy ang siyang nangangasiwa sa lahat ng iligal na aktibidades sa buong Cainta. Kay Buboy hihingi ng blessing upang makapagpatayo ng kailigalan sa bayan.

Mula jueteng, video karera, fruit game, loteng, sakla, tupada at ilan pang sugal lupa ay kinakailangang dumaan muna kay bayaw ni yorme!

Hindi lang pala sugal lupa ang okupado ni alyas Buboy kundi pati ang mga linsiyak na klab sa Cainta na pugad ng prostitusyon ay mismong siya rin ang nangangasiwa.

Walang show kung walang go ni bayaw ni yorme Ilagan!

Si Buboy ang kumokontak sa mga taong magiging sakit sa ulo ng mga kailigalan sa aming bayan. Siya ang umaayos sa barangay, hepe ng pulisya at mga opisyal ng Rizal PNP.

Hawak nga raw sa ilong ni Buboy ang Cainta PNP chief kaya hindi nabubulabog ang mga iligalista.

Ang problema sa kasalukuyan, mainit si Presidente Noynoy Aquino sa isyu ng jueteng. Hayun at lahat ng sugal ay sumandaling pinatigil ni Buboy, pati ang sinasabing tagong operasyon sa mga klab ay panandaliang nag-lay low!

Tigil ang mama sa paghahari-harian!

Ang isa pang siste, nais maglinis ng pangalan ng mama…gusto kasinng maging tserman sa darating na barangay eleksiyon!

Hindi pa nakuntento sa pagkakasasa sa katiwalian, pati barangay…nais na kopohin!

Kayo ba ay maniniwala na hindi ito alam ni Mayor Ilagan?

Hindi na tayo bata para sa ganyang kalokohan dahil sa Cainta na tumubo ang lahat nang tumubo sa ating katawan. Katunayan nga, naubos na ang mga tumubo!

Ang ibig ko lang sabihin, hindi na tayo bago sa politika dahil mismo ang ating ina ay sumandaling nanungkulan sa politika sa Cainta.

Pero hindi tayo sumunod sa kanyang bakas at mapabilang sa political dynasty. Wala ni isa sa pamilya ang nagnais na gamitin ang mga maganda at naitulong ng aming ina sa bayang iyan.

Pero itong si Buboy, ginagamit ang katanyagan ng bayaw para siya ay maluklok.

Hindi kaya alam ito ni Mayor Ilagan o sadyang malaki lamang ang kanyang pakinabang sa kanyang bayaw?

Hindi po tayo titigil hangga’t marami tayong nakikitang mali diyan sa Cainta, lalo na ang mga kamalian nitong bayaw ni yorme!

Kung sino man ang nakakakita ng hindi maganda, maaari kayong mag-text sa CP#09213813053 o mag-email sa arnold112761@yahoo.com. Arnold Pajaron

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply