Anomalya sa MECO nabunyag sa Senado

NABUNYAG sa Senado na mayroon ding malaking anomalyang itinatago ang Manila Economic and Cultural Office sa Taiwan na isa ring government-owned and controlled corporation.

Sa ginanap na pagdinig ng Senate committee on finance, isiniwalat ni MECO chairman Amadeo Perez na may $3.4 milyon o P200 milyon ang hindi nai-remit sa national treasury mula 2008 to 2009.

Bukod dito, may inaalok na agad na retirement compensation package sa mga opisyal ng MECO sa halagang P600,000 kada taon.

Kauupo lang ni Perez bilang meco chairman nitong nakaraang buwan at nagulat umano siya sa sistema ng ahensiya na hindi na kailangan dumaan sa auditing ng coa ang kanilang pondo.

Nabatid na isang foreign auditor ang nagsasagawa ng auditing sa meco funds.

Gayundin, sinabi ng isang coa official na ilang ulit na nilang sinubukan na mag-audit sa meco pero hindi sila makakuha ng mga dokumento sa nasabing tanggapan.

Sinabi ni Perez na “very scandalous” ang natuklasan niyang patakaran sa meco na pinangasiwaan ni dating chairman Tomas Alcantara kaya handa niya itong baguhin.

Para kay Senador Franklin Drilon, chairman ng nasabing komite, hindi lang ito very scandalous kundi major, major scandalous ang operasyon ng meco dahil tahasang paglabag ito sa Konstitusyon at iba pang batas ng bansa. Vicky Cervales

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply