Anting-anting ng boxer ibabawal na

PAGBABAWALAN nang sumampa ng ring ang mga traditional boxers na nagsusuot ng mga maiiksing shorts at may taglay na mga talisman, anting-anting at pampaswerte.

Ang kautusang ito ay inilabas ng Malaysian state para sa kanilang mga boksingero na nag-ugat sa batas ng konserbatibong Islamic party batay na rin sa itinatakda ng religious rules.

Nabatid na ang Pan-Malaysia Islamic Party, na siyang namamahala sa northern state ng Kelantan, ay nagsabi na ang “Tomoi” boxers –isang uri ng unarmed martial art na kahalintulad ng tanyag na “Muay Thai” boxing sa Thailand–ay pagsasabihan na magtakip ng katawan nang mabuti.

Ayon kay Abdul Fattah Mahmood, ang state minister na siyang namamahala sa sports, nais nilang mangibabaw ang Islamic rules at nais nilang isulong ang disenteng kaugalian kung saan magiging batayan nito ang itinatakda ng alituntunin ng Islam.

Binigyang diin ni Mahmood na masyadong maiiksi ang mga boxing trunks ng mga atleta at hindi nila alam na habang nakikipaglaro o nakikipaglaban sila ay nakikita ang kanilang underwear.

Idinagdag pa ni Mahmood na mismong mga kababaihan ang nagrereklamo sa ganitong uri ng trunks ng mga boksingero.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply