Araw ni Ondoy laging alalahanin at media sa IIRC

MINSANG sumulyap tayo sa pagsasanay ng mga taga-Marikina laban sa baha mismo sa Marikina River.

Itinuturo roon ang mga tamang pagsagip sa mga biktima ng baha at kung paano magtulungan ang lahat.

Aktibo, mga Bro, ang mga taga-Marikina at pamahalaan nila lalo’t kabilang sila sa mga grabeng nasalanta nang manalasa ang bagyong Ondoy noong Setyembre 26, 2009.

Binaha sila at nakabilang sila sa mga biktima ng kalamidad na ikinamatay ng nasa 400 katao at ikinasira ng nasa P200 bilyon halaga ng ari-arian.

May mga nawawala pa nga na maaari nang na ituring na patay.

Magandang maihanda lagi ang mamamayan sa mga sakuna gaya ng ginagawa sa Marikina.

Kumusta naman kaya ang iba pang mga lokal na pamahalaan? Paano ang paghahanda ng pambansang pamahalaan?

Ang nakikita nating pagmumulan ng problema, as always, ay ang kakatiting na pondo para sa kalamidad.

Nagawan na ba ng paraan nina PNoy ang halos pagkasaid ng pondong pangkalamidad sa national level?

Sa halagang P3 bilyong pondo, sumbong sa bayan ng ni PNoy na nasa 300 milyon lang ang natira.

At kung babayaran nila ang mga utang ng pamahalaan kaugnay ng nasabing kalamidad, hindi pa magkasya ang natitira.

Naging misteryoso o kuwestiyonable umano ang mga pinagdalhan nina ex-President Gloria ng mga pondo.

oOo

Nakalulungkot talagang isipin na idinadawit ng Incident Investigation Review Committee sa Agosto 23 Luneta tragedy ang media sa mga kakasuhan.

Ang masama, iniipit ng IIRC ang buo na impormasyon sa usaping ito sabay sabing hindi pa pinal ang mga rekomendasyon, kabilang na ang mga posibleng masasampahan ng kaso.

Si Pangulong Noynoy umano ang may final say sa rekomendasyon ng IIRC.

Lumalabas tuloy na hindi mapagkakatiwalaan ang ulat, maging ang isinumite ng IIRC sa Tsina, dahil puno pala ng pagdududa at tanging si PNoy lang ang inaasahang magdadagdag-bawas at magwawasto at magmamali rito.

Pero paano kung mapaniniwala nila ang Tsina na ang media ang isa sa mga maysala at mag-demand ito ng pag-uusig at pambibilanggo?

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply