Arboleda kakasuhan sa pambubugbog sa fan

Mahaharap na sa kasong kriminal si Philippine Basketball Association (PBA) cager Wynne Arboleda matapos irekomenda ng Quezon City Prosecutors Office ang agarang pagsasampa ng kasong kriminal  laban sa manlalaro.

Ang pagsasampa ng kaso sa Burger King player ay nag-ugat matapos na bugbugin nito ang isang basketball fan sa kasagsagan ng laban ng Burger King sa Gilas-Pilipinas noong October 2009.

Isang Alain Katigbak ang ginulpi ni Arboleda matapos na makatanggap ng flagrant foul laban kay Mac Baracael.

Ang nasabing insidente ang naglagay sa Kalibo, Aklan native na patawan ng isang buong season na suspensiyon ng PBA at hindi rin makatatanggap ng suweldo.

Ang suspensiyon kay Arboleda na ang pinakamabigat na naipataw sa isang pro-basketball player.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply