Artist illustrator ng National Museum pinatay

TINUTUGIS na ng awtoridad ang salarin na sumaksak at nakapatay sa isang Artist illustrator ng National Museum, kahapon ng madaling araw, sa Pasay City.

Isinugod sa Pasay City General Hospital nina Brgy Kagawad Roel Ramos at Brgy Tanod Edwin Guillermo ang biktimang si Jaime Bruma, nasa hustong gulan, residente ng 292 Almazor st., pero binawian ng buhay dahil sa dalawang saksak sa dibdib at sikmura.

Malaki ang hinala ng awtoridad na nakapag-drawing ang biktima ng isang unggoy na naging tampulan ng katatawanan sa kanilang lugar, na ikinainsulto ng suspek na kinilala sa alyas “Toto ungoy”, residente rin ng naturang barangay.

Napag-alaman na dakong 1:30 ng madaling araw, habang naglalakad ang biktima pauwi sa kanilang bahay nang abangan ng suspek sa Almazor st. at pagtapat sa madilim na lugar, biglang sumulpot ang huli at inundayan ng saksak ang una.

Makaraan ang pananaksak, ang suspek ay tumakas dala ang patalim na ginamit sa krimen. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply