Asi, William at Yap itinulak sa ‘Gilas’

MAKIKIPAGKAPIT-BISIG ang Philippine Basketball Association (PBA) sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para makatulong ang pro league sa overall program ng bansa sa hanay ng basketball.

Dahil dito ay kasama na sa agenda ng two-day Board session ang pagsasama kina Asi Taulava, Kelly Williams at James Yap sa Smart Gilas alinsunod sa kahilingan ng SBP.

Nabatid na sina Taulava at Williams ay binigyan na ng go-signal na makalaro para sa Nov. 12-27 Asiad habang si Yap ay isasama na rin sa Gilas team.

Subalit tumanggi naman ang reigning PBA Most Valuable Player (MVP) na si Yap dahil sa personal reasons at bunsod na rin ng pagpapasailalim niya sa surgery sa ilong kamakailan.

Ito umano ang dahilan kaya binalewala niya ang imbitasyon ng PBA board para sa gaganaping meeting.

Matatandaan na ang tatlong star players ay kapwa bahagi ng dalawang national teams na binuo at sinanay ng PBA kung saan lumahok sila noong 2007  at 2009 FIBA-Asia men’s basketball championships.

Naiintindihan naman ng Board chairman ang paliwanag ni Yap dahil noong linggo lang umano ay kinailangan pa nitong bumalik ng ospital para patingnan muli ang ilong bunga ng pagdurugo nito. GP

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply