Asst. manager ng airline hinablot, sinaksak

INAALAM pa ng pulisya kung sino-sino ang mga taong nakaalitan ng baba-eng assistant station manager ng Cebu Pacific na posibleng nagplano ng bi-gong pamamaslang sa una kamakalawa ng uma-ga sa Pasay City.

Ayon sa ulat, naglalakad papasok sa kanyang tangga-pan sa NAIA Terminal II si Mary Joy De Guzman, 28, residente ng 14th 21st St., Brgy. Villamor, dakong alas-8 ng umaga nang bigla siyang hablutin ng lalaking naka-ang-kas sa motorsiklo at inunda-yan kaagad ng dalawang saksak sa dibdib.

Tumakas ang dalawang suspek na magka-angkas sa motorsiklong walang plate number sa pag-aakalang napatay nila ang biktima.

Kaagad namang naisu-god sa San Juan De Dios Hospital ng nagmalasakit na taxi driver ang biktima na hu-ling iniulat na nasa maayos nang kalagayan.

May hinala ang mga im-bestigador na hindi pagnana-kaw ang motibo sa tangkang pagpaslang sa biktima dahil walang intensiyon ang mga suspek na tangayin ang mga personal na gamit ng dalaga. Amor Virata

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply