Asst. NBI director pinangalanan

ITINALAGA ng National Bureau of Investigation  bilang assistant director ang isang senior official na responsable sa pagbuwag sa notoryus na Alvin Flores robbery gang.

Si Atty. Medardo De Lemos ay itinalaga ni Pangulong Benigno Aquino III bilang kapalit ni  dating Manila Police District director Pedro Bulaong.

Si De Lemos ay 25 taon nang nanunungkulan sa NBI at siya rin  ang nasa likod ng pagbuwag ng Alvin Flores gang kung saan napatay din ang lider nilang si Alvin Flores sa isang shootout sa pagitan ng pinagsanib na puwersa ng NBI Manila at operatiba ng Cebu noong October 29, 2009 sa Compostela Cebu kung saan nagsilbi itong regional director ng Region VII, Central Visayas Regional Office  na nakabase sa Cebu.

Pinangaralan din si De Lemos bilang “command of the year award” para sa Regio-nal Operations Services noong 2007.

Noong 2003, si De Le- mos ay kinomisyon ng kaga-waran na pag-aralan ang “Rules of Engagement” na gagamiting polisya sa kanilang enforcement operations.

Nagsagawa rin si De Lemos ng pag-aaral at sumulat ito hinggil sa “Shooting of and by NBI Agents and Special Investigators.”

Si De Lemos ay maitutu-ring na “rose from ranks” at pumasok ito sa kagawaran noong 1985. Ito ay nagtapos ng Bachelor of Arts major in Philosophy at Bachelor of Laws sa UP.  Rene Crisostomo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply