Assunta de Rossi, gusto nang magkaanak

KATAKAM-TAKAM pa rin ang alindog ni Assunta de Rossi nang maging bisita sa “Paparazzi” sa TV 5 nu’ng Linggo. Taglay pa rin niya ang pigurang 25”-waistline. Higit sa lahat very much happy sa piling ni Congressman Jules Ledesma.

Yes,  walong (8) taon na silang kasal at nais na nilang magkaroon ng anak.

Kuwento ni Assunta, 19 years old siyang ikinasal at noo’y  hindi pa handang magka-baby. Taong 2006, napag-isip nga ng mag-asawa and she’s getting any younger na, kaya it’s about time na magka-baby na sila.

‘Yun nga lang di pa rin ipinagkaloob Panginoon ang kanilang minimithi, and besides,  hindi magkatugma ang schedule ng dalawa dahil kapwa bisi naman sila.

Si Jules sa Kongreso at si Assunta sa showbiz.

Inamin ni Assunta na nagkaroon ng problema sa kanilang hacienda sa Negros. Kaya two years ago, maraming absent ang kanyang asawa sa
Kongreso dahil nga sa problema at umabot halos P60 million mahigit ang kanilang binayaran.

Dagdag pa ni Assunta ganu’n pa man maganda ang record at maraming proyekto ang kanyang asawa sa mga kinasasakupan nito.

Pahayag pa ng aktres,  ngayon hindi na lumiliban ang asawa. Maganda ang attendance nito. Ipinagmamalaki pa ni Assunta, na never siyang humingi ng anuman (lalo na pera o bagay) sa kanyang asawa.

Hindi inoobliga ni Congressman Jules si Assunta na magtrabaho lalo na sa pag-aartista. Si Assunta lang ang may gusto at may basbas naman daw ito ni Cong. Jules.

If ever may hihinging bagay si Assunta kay Jules, ano kaya ito?

“Baby! Dahil ang bagay na ito hindi nabibili ng pera!” tugon ni Assunta sa aming katanungan. Si Assunta ang featured artist sa darating na Huwebes, 8-9 pm sa “Untold Stories” sa TV5.

JACKY WOO NASA  HOLLYWOOD NA

Tuwang-tuwa ang may pusong Pinoy/Japanese actor na si Jacky Woo dahil pinasok na niya ang Hollywood sa pamamagitan ng pelikulang “Super Tanker” na kinunan sa Sofie, Bulgaria at sobrang impressed daw sa kanya ang mga staff and crew ng naturang Hollywood movie.

Phillip Roth, the Hollywood producer is very please of Jacky’s performance in this movie they are shooting and he is offering Jacky to do at least two Hollywood pictures a year. Of course, Jacky is more than happy to do it and he even suggested that Filipino actors should be included in the movies since there a lot of Asian actors penetrating the Hollywood productions.

Jacky Woo is so thankful and grateful to the production behind “Super Tanker” for casting him and it is a wonderful experience working with Phillip Roth and his staff. This gave him the chance to show his talent as an actor in a Hollywood movie like “Super Tanker”.

If you will notice, there are a lot of international actors doing Hollywood films and they are doing well with their American counterparts. So, hopefully, Jacky could help Filipino actors to be cast in those Hollywood movies. Jacky loves the Filipinos so much and he considers the Philippines his second country after Japan.

This is the reason why he keeps on producing indie films in the Philippines to help the Philippine movie industry and the production people involved in the said indie films.

Pagkatapos ng “Super Tanker”, nakatakda siyang bumiyahe sa Los Angeles, California , US of A para pumirma ng kontrata sa production movie company na siyang nangangasiwa ng nabanggit na Hollywood movie.

Nakatakdang bumalik sa Pilipinas si Jacky para tuparin ang mga guesting niya sa iba’t ibang programa ng Kapuso Network at sa Nobyembre ay magre-resume sila ng shooting sa nabanggit na bansa sa Eastern Europe. TINGNAN N’YO/Joe Cezar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply