Assunta de Rossi, tinutulugan na lang ng asawa

NALOKAH ang mga nakasama naming reporter nang mag-guest kami sa Paparazzi Presscon Express the other Sunday kay Assunta de Rossi habang ini-interview siya ni DJ Mo Twister.

Ano raw ang drama ni Assunta samantalang alam na alam na raw sa apat ng sulok ng showbiz kung anong klase ang buhay niya ngayon sa kanyang mister pero todo deny pa rin ito at todo build-up-takip kay Congressman Jules Ledesma.

Tumaas ang kilay ng kasamahan namin reporter nang may binitiwang linya si Assunta na “super intense” daw ang kanilang lovelife at wala siyang kaproble-problema sa aspetong pinansiyal.

Masasabi raw kaya ito ni Assunta kung kaharap niya ang kapatid na si Alessandra de Rossi na siya ngayong tumutulong sa kanya?

Di ba`t si Assunta mismo ang nagkuwento sa ilang press people na tinutulugan lang siya ni Jules at minsan ay lingguhan na lang kung sila ay magkita?

Bakit daw hindi raw magawa ni Assunta ang magpaka-totoo sa kanyang sarili? Hanggang kailan daw niya itatago ang kanyang sitwasyon at patuloy na dadayain ang kanyang sarili?
ABS CBN, MAY NAKAHANDANG PASASABOG KAY WILLIE

Nakarating sa amin naghahanda na raw ang mga bigating abogado ng ABS CBN. Take note, hindi raw basta abogado ang mga ito kundi mga abogado de kampanilya.

Tsika pa na yun daw P486 milyong danyos hinihingi kay Willie Revillame ng Dos ay hindi raw ito kabayaran o release ng kanyang kontrata sa ABS CBN.

Pinaninindigan ng taga-Dos na hanggang ngayon ay kontrolado pa rin daw ng ABS CBN si Willie.

May malaki raw pasabog na gagawin ang mga abogado ng Dos laban kay Willie na ikakagulat daw nang marami.

Ano kayang pasabog yun?

***

Kinumpirma ni direk Wenn Deramas na totoong lumabas ang pagkalalaki ni Luis Manzano sa isang eksena niya sa Pedrang Kabayo.

Ayon kay direk nang makatsikahan namin sa set ng first starring movie ni Vice Ganda na “Petrang Kabayo” sa Tomas Morato, disgrasya lang ang paglabas ng “nota’ ni Luis.

Eksena naliligo si Luis at sinasabon nito pati loob ng brief at di sinasadya nang ilabas ng actor ang sabon sa loob ng brief ay lumabas ang “nota” nito na ikinatuwa ng mga make-up artist at ilan staff na kulay berde ang dugo nanonood ng eksena.

Hindi pa raw nasiyahan nakita na nila ang pagkalalaki ni Luis ay nagawa pa kunan sa pamamagitan ng kanilang cellphone ang biglang paglabas ng “nota” ng actor.

Ginawa raw ni Direk Wenn tinawag at pinagsabihan ang crew at mga nakakita na kumuha ng larawan thru cellphone na burahin ang mga ito bilang respeto sa actor.

Sinunod naman daw si direk na burahin sa kanilang cellphone ang larawan ni Luis na lumantad ang mala-mola raw nitong pagka-lalaki.

Ang nanghihinayang sa paglabas ng “nota” ni Luis ay si Vice Ganda mismo dahil nakatalikod daw sa kanya ang actor nang mangyari ang hindi inaasahang paglabas ng pagka-lalaki ng actor.

Anyway, hanggang ngayon ay hindi pa raw maubos maisip ni Vice Ganda na sa kanyang ipagkakatiwala ni direk Wenn at Viva big boss Vic del Rosario ang Pedrang Kabayo.

Malaki raw kasi ang respeto niya kay Roderick Paulate na original na gumanap na Petrang Kabayo kaya nagtaka siya kung bakit siya ang gaganap sa role.

Pagtatanggol naman ni direk Wenn kay Vice Ganda. Kinausap daw nito si Roderick (Paulate) nang gawin ang movie.

Inalok pa raw ni direk Wenn si Roderick na magkaroon ng special participation sa movie bilang Diyosa ng mga Kabayo para ibigay ang korona kay Vice Ganda.

Pero tinanggihan daw ni Roderick ang role di dahil nagalit ito. Katuwiran daw ni Dick ay alangan at hindi na nababagay gumanap na Kabayo dahil isa na siya ngayong kagalang-galang ng Konsehal.

Yun na!

***

Sa taping ng “Show Me Da Manny” nakatsikahan namin si Lovi Poe. Twenty one years old na pala siya at very independent-minded na dalaga.

Bumukod na siya sa kanyang magulang at kasalukuyang naninirahan sa apartnment kasama ang dalawang pinsan, Pero every weekend ay pinupuntahan at dinadalaw niya ang kanyang ina.

Marami ang nagulat sa sexy billboard ni Lovi. Kung buhay pa kaya ang kaniyang ama na si Fernando Poe Jr, magagawa kaya niyang magpose ng sexy?

“It took me sometime to convince my mother at maganda naman ang kinalabasan ng pictorial, Si Papa (FPJ) kung buhay pa, hindi ko masasagot,” say ni Lovi na napapanatili ang kaseksihan ng katawan.

Ano ba ang sekreto ng pagiging slim at seksi ng kanyang katawan? Ang pagiging swimmer daw niya ang sekreto kaya napapanatili ang slim na katawan.

Biruin mo nakaka-more than 10 lapses siya sa isang session. Kaya pala hindi flabby ang muscle, siksik in short.

Willing na rin siyang magpa-seksi sa pelikula as long na siya ang bida at kailangan talaga sa istorya. Pero kung ipipilit at hindi naman talaga kailangan ay hinding-hindi daw niya gagawin. Gerry Ocampo

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply