Ayaw maging pabigat, lolo nag-suicide

MINABUTI ng 61 anyos na lalaki na magpatiwakal kaysa maging pabigat sa kanyang pamilya kaya nagbaril ito sa ulo gamit ang baril ng anak na pulis sa Tondo, Manila kamakalawa ng gabi.

Isang tama ng bala sa sentido ang kumitil sa buhay ni Lorenzo Victoriano, ng 2953 Orani St., Tondo bagaman nagawa pa itong maisugod sa Chinese General Hospital.

Sa ipinarating na ulat ni Det. Edgardo Ko kay Sr. Insp. Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police District-homicide section, naganap ang insidente dakong 10:30 ng gabi sa bahay ng pamilya  Victoriano.

“Kinuha ng biktima ‘yong 9mm service firearm ng kanyang anak sa locker at iyon ang ipinutok sa sarili,” ayon kay Ko.

Nabatid kay  PO2 Rom-mel Victoriano, 36, nakatalaga sa PNP-Valenzuela City Police Station, nakatakdang magpa-general  check-up ng sakit  na diabetes, hypertension at rayuma ang ama nga-yong linggo. Maari umanong inisip ng matanda ang mga gagastusin ng pamilya kaya hindi na nito hinintay na ipagamot pa.

Nagulat na lamang ang mga kasambahay nito nang marinig ang putok ng baril. Rene Crisostomo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply