Ayaw magpakatotoo: Kim Chiu, pa-martir effect

PAANO raw nakakatagal  si Kim Chiu dahil pilit na  sinasakyan ang love team nila ni Gerald Anderson. Kahit naman hindi na siya okey, pilit pa rin itong ngumingiti pag kasama  ang guwapong young actor. Parang  tulad pa rin  ng dati, walang nagbago.   Martir-martiran ba ang drama niya?

Ginagawa ba ito ni Kim para sa career niya? Marami kasi ang naaawa sa kanya dahil hindi raw ito nagpapakatotoo sa nararamdaman niya.

Binibitawan  pa rin ni Kim ang  pamosong  linyang “Super friends naman talaga kami ni Gerald.

“Parang lagi kaming nandiyan para sa isa’t isa. Pag kailangan niya ako, nandiyan ako. Pag kailangan ko siya, nandiyan din siya.

“Ayun, yun ang mahalaga sa amin ngayon. At least masaya kami. maayos kami ngayon. Maayos yung kung anuman kami ngayon. Wala namang problema. Hindi kami nag-aaway or nagkakatampuhan,” deklara niya.

“Lagi naman akong Masaya. Minsan malungkot. Pero may gano’n talaga sa buhay.  “Pero gusto kong maging masaya. Gusto ko kung may problema man, sandali lang and dapat maging positive lagi sa buhay para positive lahat ng nangyayari sa iyo,” aniya pa pero bakit ang mata niya ay parang malungkot habang nagsasalita?

Patuloy na lumalakas ang bulung-bulungan tungkol kina Gerald at Bea Alonzo.  Pero patuloy ang pagpapaka-showbiz ni Kim: “Magkakaibigan kaming tatlo,” sambit pa  niya.

Vice Ganda, nanghihinayang na ‘di nabosohan si Luis

Iniilusyon ngayon ng mga bading si Luis Manzano dahil sa sinabi ni Direk Wenn De Ramas na  ‘mola’ ang nota ng actor-tv host  nu’ng mag-hello ito sa shooting ng ‘Petrang Kabayo’ na launching movie ni Vice Ganda. Sabi nila, hindi lang daw ‘mola’ kundi mamula-mula.

Actually, isa  ‘yun sa pinanghihinayangan ni Vice dahil nakatalikod sa kanya ang aktor nang mangyari ang hindi inaasahang eksena. Hindi niya nabosohan si  Luis.

Anyway, bukod sa pinagpipistahan ang ‘notes’ ng actor-tv host, tuwing umaga ay pagpipistahan na rin siya dahil pang-umaga ( 10:30 a.m.) na ang ‘Panahon Ko ‘To!: Ang Game Show ng Buhay Ko’ ng pagkatapos ng ‘Banana Split Daily Servings’.

Swak ang team-up nina Billy Crawford  at Luis.  Timing ang kulitan nila at saluhan nila. Hindi man saktong magkatapat sa game  show ni Edu Manzano sa GMA 7 pero may comparison na. Mula Lunes   ay Manzano versus Manzano plus Crawford pa.

Pero matindi ang aliw  factor ng ‘Panahon Ko ‘To’ dahil sa  sagot ng contestants .Hindi ka lang nai-educate kundi matatawa ka pa. Ito ang  quiz show ng ating buhay at trivia show.

-0o0-

Gumaling na  si Akihiro Sato mula sa surgery na isinagawa sa kanyang paa dulot ng infection sanhi ng kagat ng mga lamok ssa Thailand kung saan sila kinunan para sa Survivor Philippines.

Grabe raw ang mga lamok dun dahil bukod sa malalaki, umiitlog pa gawa ng pagkakagat.  Tinanggal daw ang itlog  sa sugat ng kanyang paa.
Speaking of Aki,  sumali   pala siya sa celebrirty challenger  para Winners’ Race to a Million  na inilunsad noong April 11, 2010 ng Ibuprofen Medicol Advance. Ipinagsama ng kakaibang race na ito ang 5 celebrities na selfless winners na nais makatulong sa lipunan.

Ang iba pang celebrity challengers ay sina  BJ Manalo para sa World Vision, Paolo Paraiso para sa Loretta Maglalang Foundation, Amanda Coolly para sa Anastacio Cataquis-Sabina Unson Memorial School at JC Tiuseco para sa Gawad Kalinga.

Matapos ang paghihintay at dahil sa matinding suporta mula sa publiko, binibigyang parangal ng Medicol Advance si BJ Manalo dahil sa kanyang paglikom ng mahigit sa P500,000. Si BJ at ang ipinagsama-samang efforts ng ibang challengers at ang kanilang mga teams ay nakakolekta ng mahigit sa P1 Million total funds para sa napiling charity ni BJ, ang World Vision.

Yun na! Xtreme/Roldan Castro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply