Ayaw nang makita si Chard: Jewel gusto nang umalis sa Siyete

ALAM ng GMA Artist Center na nakipag-meeting na ang talent nilang si Jewel Mische sa ilang executives ng ABS- CBN pero wala pa raw sinasabi sa kanila ang ex-girlfriend ni Richard Gutierrez sa kanila.

Gusto na raw umalis ni Jewel sa GMA Artist kaya nagpadala na raw ng sulat ang abogado ng ex-girlfriend ni Chard na i-release na ito pero wala pang linaw kung pinayagan ang young actress.

Kung hindi kami nagkakamali, matatapos ang kontrata ni Jewel sa GMA Artist Center sa year 2012 at mayroon pa raw itong dapat bayaran sa GMAAC?

Kapag tinatanong naman si Jewel kung may kinalaman ba ang break-up nila ni Richard Gutierrez kaya gusto niyang mag-over da bakod sa Dos?

Tahimik lang daw ang dalaga, Ayaw magbigay ng anumang comment.

Well, kahit hindi na magsalita ni Jewel ay siguradong nasaktan ito sa paghihiwalay nila ni Chard. Maaari ring isa lang ito sa mga dahilan kaya gusto na niyang maging Kapamilya.

Sana lang kung talagang gusto na niyang mag-ober da bakod ay maging maayos ang paglipat para maging maganda rin ang takbo ng kaniyang showbiz career.

GARY ESTRADA, GUSTO PA RING MAG-PELIKULA AT MAKATAMBAL ANG EX-GIRLFRIENDS

Kaaliw kausap si Gary Estrada. Kasama rin siya sa cast ng “Bantatay.” Ayon sa bagong halal na Board Member sa Quezon province, naaaliw daw siya kapag nakikita sa mesa niya ang pangalan na may Honorable.

“Ganoon pala ang feeling kapag nanalo ka na walang dayaan nangyari. Kasi noon tumakbo akong mayor ay nadaya ako. Ngayon hindi na nila ako madaya dahil computerized na ang election,” say ni Honorable Gary (Estrada).

Nakahanda pa rin siyang tumanggap ng project. Magiging sinungaling daw siya kung sasabihin niya na ayaw na niyang mag-artista magmula nang manalo sa nakaraan election.

Naikuwento nga ni Gary na gumagastos siya ng P 15, 000 a day dahil sa dami ng mga constituent nagpupunta sa kanyang opisina na humihingi ng tulong.

Gusto niya mismo siya ang magbibigay or mag-aabot sa mga constituent na nangangailangan ng tulong kaysa ipagkatiwala sa ibang tao ang pamamahagi ng tulong.

“Gusto ko kasi makatiyak na yung mga tao talagang nangangailangan ang makakatanggap ng tulong. Marami na kasi akong naririnig na hindi nakakarating daw sa mga taong dapat bigyan ng tulong,” say pa ni Gary Estrada na handa pa rin gumawa ng seksi movie basta sina Donita Rose, Aiko Melendez at naging ex-girlfriend daw niya ang makakasama,

***
Sa Comedy Bar magpapakitang gilas sina John Feir at ang dalawang Survivor Celebrity Showdown castaway na sina Princess Snell at Mico Aytona sa Drama-rami Labango!

Naki-jam rin ang isa sa mga biritera ng La-Diva na si Aicel Santos, na kung saan kinanta niya ang isa sa kanyang solo hits habang ginagawa siyang isang human Christmas tree!

Nagpataasan naman ng energy ang Ugless, sina Tomas, Petite, Jason at Ate Gay habang nagpe-perform sila ng isang action-packed medley!

Ang nakakaaliw na talasalitaan na inihanda naman ni Fabio Ide na kahit walang kasiguraduhan na ikaw ay may matututunan, sigurado naman na ikaw ay malilibang!

At sino sa natitirang apat na Beergins ang matatanggal? Sino kina David, KC, Luanie at Given ang mananatili sa CB?

***

Masaya si Iza Calzado nang pasyalan namin sa taping ng “The Sweet Life” (siya ipinalit kay Wilma Doesn’t as co-host ni Lucy Torres) na napapanood sa QTV 11, Monday to Friday at 5:00 pm.

Isa lang si Iza sa may pinakamaganda mukha sa mga actress kaya marami tuloy ang nagtatanong kung bakit hindi niya naisipan sumali sa beauty contest ganoon may ganda at taas naman siya kumpara sa mga sumasali sa naturang pageant.

Gusto lang daw niya mag-ayos pero never na pumasok daw sa isip niya sumali sa isang beauty contest.

Kaya malaking challenge sa kanya itong bagong drama series na “The Beauty Queen” kasama ang mga former beauty queen na sina Gloria Diaz, Elizabeth Oropeza, Maggie Moran at may special participation din si Venus Raj.

Kasama rin sa drama series si Katrina Halili na kakaiba raw ang role na gagampanan.

Kinumusta namin ang tandem nila ni Ms Lucy Torres. Masaya at kuntento raw siya na makasama ang congresswoman wife ni Richard Gomez sa show.

Kalog at masarap daw kasama si Lucy. Akala raw niya ay iskrito at sosyalera si Ms Lucy pero nang makasama at makatsikahan na niya ito sa taping ay nawala lahat ang kaniyang maling pag-aakala sa wife ni Goma.

***

Hindi naman ikinaila ni Gelli de Belen nang makatsikahan namin sa presscon ng bago niyang serye sa 7 na “Bantatay” may ibang TV station na nag-offer sa kanya ng regular TV show.

Sinabi raw niya sa management ang tungkol sa offer at sinabihan siyang maghintay lang muna dahil may bagong show para sa kanya ang Kapuso Network.

Buti na lang at nakapaghintay si Gelli dahil bukod sa “Jejemom” siya ang ginawang leading lady ni Raymart Santiago sa “Bantatay”na magsisimula na ngayong Lunes kapalit ng Langit sa Piling Mo.”

Pero kahit na anong busy ni Gelli ay priority pa rin daw nila ni Ariel (Rivera) ang kanilang mga anak.

Katunayan hanggang ngayon ay walang yaya ang kanilang anak. Sila mismo mag-asawa ang nag-aalaga sa mga bata.

Kapag siya ang may trabaho ay si Ariel ang nakatutok sa kanilang mga anak at kapag si Ariel naman ang may project ay siya ang mag-aalaga sa mga bata. Kapag pareho naman silang may trabaho, ang nanay niyang si Susan de Belen o ang isang auntie ni Ariel ang nag-aalaga sa kanilang mga anak. Teka Muna/Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply