Babastos sa Lupang Hinirang ikakalaboso

PAGKABILANGGO at multa ang naghihintay sa sinumang hindi gagalang sa pambansang awit at maging sa bandila ng Pilipinas.

Ito ang nilalaman ng House Bill 465 na pangunahing isinulong ni Sorsogon Rep. Salvador Escudero na ang pangunahing layunin ay maturuan ng leksyon at parusahan ang mga hindi marunong gumalang sa Lupang Hinirang kapag ito ay inaawit kasabay ng pagtataas ng bandila ng Pilipinas.

Inihayag ni House Speaker Feliciano Belmonte na ang HB 465 mula sa House Committee on Basic Education ay kauna-unahan sa mga panukalang batas na nakarating sa plenaryo.

Nakapaloob sa panukala na ang sinumang hindi susunod sakaling maging ganap na itong batas, ay pagmumultahin ng mula P50,000 hanggang P100,000 o kaya ay pagkakulong ng isa hanggang dalawang taon.

Ngunit ang mabigat sa panukalang ito ay maaaring arestuhin ng sinumang mamamayan ang isang tao na kanyang makikita na hindi gumagalang sa flag raising ceremony sa pamamagitan ng citizen’s arrest.

Ang panukalang ito ay isinulong ni Escudero dahil sa mga kapuna-punang kawalan ng respeto ng ilang mga Pilipino sa tuwing may flag ceremony hindi tulad noong unang panahon na obligado ang lahat kahit nasa mga kalsada ay kailangang tumayo o huminto.

Inaatasan din ng batas na ito ang lahat ng sinehan na mahigpit na ipatupad ang batas na ito dahil karaniwang tinatamad ang mga tao na tumayo kapag pinapatugtog na ang Pambansang awit. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply