Baby James, inutusan si Kris na padalhan ng ‘get well soon’ message ang ama

MAY lagnat na naman raw ang anak nina TV host/actress si Kris Aquino  at PBA star James Yap na si Baby James kaya posibleng maospital na naman ito, ito ang pagsi-share ni Kris sa kanyang Twitter account noong Miyerkules.

Worried na raw si Kris dahil 39 ang fever niya at last week lang ay kagagaling na nito sa sakit. Kahit pa nga idineklara na ng duktor na cleared na si Baby James sa dengue, masisisi ba natin ang nanay kung mag-alala ito? Nata-trauma na nga raw ang bata sa pagkuha sa kanya ng dugo, pero syempre, gusto lang ni Kris na makasiguro.

Anyway, kagagaling din sa sakit ng ama na si James Yap. Nagpaopera sa ilong para ipatanggal ang polyps o parang kalyo yata yon. Siguro, matagal nang nadunggol ng kalaban at binalewala, kaso sumakit, kaya ipinaopera. Personal namang binati ni Kris ang ama ng kanyang anak — pero dahil utos raw iyon ni Baby James.

“Mama, you greet my papa,” sabi raw ng bata.

Ipinaabot ni Kris ang kanyang greetings kay James sa pamamagitan ng kanyang noontime show.  sinabihan ni Kris ang PBA star na get well soon matapos sumailalim sa operasyon sa ilong upang ipatanggal ang polyps.

Dinalaw raw ni Baby James ang kanyang ama habang nasa ospital ito, at nagpasalamat naman si James sa pagbati ni Kris sa pamamagitan ng pagpapadala ng text message sa yaya ni Baby James.

Pero sinabi pa rin ni James na unfair ang presidential sister sa pag-akusa sa kanyang  kinuha niya ang mga gamit ng asawa. Kaya nga raw todo shopping si James nang magbakasyon sa Amerika.

Sabi raw kasi ni Kris, nakalagay na sa box ang mga gamit na naiwan ni James at maaari itong kunin ng PBA star anumang oras kaya kinuha niya ang mga boxes na sinasabi.

Sabi naman ni Kris, oo nga at hindi pa sila magkaibigan ni James, pero hindi rin daw sila magkagalit. Sabay pa nga raw nilang binatayan ang kanilang anak nang maospital ito noong nakaraang linggo.

Paki ko?

ROBIN PADILLA IBABALIK NA ANG ANAK KAY LEIZL SYCANGCO

Finally, nagdesisyon na si Robin Padilla na ibalik na sa pangangalaga ng ina ang bunso nilang anak na si Ali.

Ipahahatid na raw ni Binoe ang bunso sa ex-wife na si Liezl Sicangco sa September 20,  at mismong ang kanyang manager ang sasama kay Ali sa Australia. Doon na kasi naninirahan ang bagong pamilya ni Liezl.

Pasasamahin rin daw ni Robin ang kanyang abogado para maisaayos na  ang kanilang divorce papers.

Pero gagawin raw niya ito, hindi dahil galit na galit ang kanyang dating misis , kundi dahil alam niyang sa edad ni Ali ay nangangailangan pa ito ng ina. Kahit raw mai-miss niya ang anak, siguro nga raw ay mabuting doon na muna ito sa kanyang ina.

At siguro, para hindi na rin sinisisi ni Liezl si Mariel Rodriguez — na kasalukuyang girlfriend ni Robin — sa kawalan nito ng oras sa mga anak. Hmmm … E di ba si Leizl ang unang nakipaghiwalay? Neneth Villafania

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply