Baby naipit sa duyan patay

WALA nang buhay ang 8 buwang gulang na sang-gol na lalaki nang magi-sing ang kanyang ina ma-tapos siyang sabayan sa pagtulog bunga ng pagka-kaipit ng ulo ng una sa kanyang duyan sa Tondo, Manila kamakalawa.
Pinag-aaralan pa ng mga awtoridad ng Manila Police District kung papanagutin ang magulang ng sanggol na si John sa sinapit nito.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Sr. Insp. Ar-mando Macaraeg, hepe ng MPD-Homicide Section, da-kong 3:00 ng hapon nang ma-diskubre ng ina ang duguan at walang buhay na anak sa kanilang bahay sa Quezon St., Tondo.
Ayon kay Det. Angelito Lopez, bandang 1:00 ng ha-pon ay nakatulog ang sang-gol kaya sinabayan ng ina ang pagtulog nito.

Gayunman, maaring na-gising umano ang sanggol at sa pagkawag nito ay lumusot ang ulo nito sa butas ng duyan na naging dahilan ng pagka-kaipit nito.

“Meron kasing butas ‘yung duyan na pwedeng magkasya ‘yung ulo ng bata at doon siya pumasok,” dagdag pa ng imbestigador. Rene Crisostomo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply