Bagets tigok sa frat war

PATAY ang 15-anyos na estudyante habang grabe namang nasugatan ang tatlo pa nitong kasamahan nang mag- riot dahil sa away sa fraternity Taytay, Rizal.

Sa report, kinilala ang biktima na si Richard Tobilas, ng Blk-16 Avocado st. Lupang Arienda, habang sugatan naman at patuloy na nilalapatan ng lunas sina Joemy Arriola, 13; Eduardo Abrian, 13 at Roberto Cabreza, 16.

Patuloy namang tinutugis ng pulisya ang hindi nakilalang mga suspek na miyembro ng fraternity na kalaban ng mga biktima.

Nabatid na bandang 4 ng hapon nang magkita at magpang-abot ang grupo ng mga biktima at mga suspek na pawang armado ng sumpak sa Road-20 Extention, Sitio Siwang at agad nagpalitan ng putok ng baril, ikinamatay ng biktima, ikinasugat ng tatlo pa.  Jun Ferrer

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply