Bagong awitin ni Pacman inilabas

NAKIPAGKASUNDO si World Champion Boxer Manny Pacquiao sa Filipino/Scottish rock band Rag Rag at sa Britain’s Got Talent finalist na si Madonna Decena para mailabas kahapon ang official theme song ng Pambansang Kamao.

Nailabas na ng  Authentik Artists ang “Fighting Pride (Pacquiao’s Theme)” sa buong daigdig.

Ang track  ang kauna-unahang  official theme song ng worldwide boxing champion.

Nabatid na ang awitin ay kinanta ng Filipino/Scottish group Rag Rag at kasama rin ang Got Talent finalist na si Decena na siyang bokalista.

Tampok sa awitin ang special spoken word sa intro na si Manny kasama ang mensaheng “Deliver me from this fight, to honor you in my country.”

Nairekord ang “Fighting Pride” sa isang studio sa Palms sa Las Vegas, Nevada at ang record plant sa Los Angeles , California.

Makukuha na umano ang ringtones ng kanta sa cell phones sa mobile carriers at ringtone sites tulad ng Jamster a Thumbplay. GP

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply