Bagong bagyo nakapasok sa bansa

NAKAPASOK na sa Philippine area of responsibility ang bagong low pressure area na unang namataan sa silangang bahagi ng Palau Island.

Ayon sa Japan Meteorological Agency (JMA), namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 1,060 kilometro sa silangan timog silangan ng Surigao City.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 30 kilometro kada oras.

Kumikilos ito ng 30 kilometro kada oras patungo sa eastern section ng bansa at may bilis na 19 kilometro bawat oras.

Inaasahang mag-iibayo ang lakas nito habang papalapit sa kalupaan kaya paghandaan na ang maulang panahon sa mga susunod na araw.

Sa kasalukuyan  ay may 50 porsyentong posibilidad ito na maging bagyo.

Kung mabubuo ay tatawagin  bilang tropical depression Juan na ika-10 sama ng panahon ngayong 2010. Nenet Villafania

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply