Bagong LPA namataan sa Mindanao

ISANG panibagong low pressure area ang namataan ng National Oceanic and Atmospheric Administration sa silangang bahagi ng bansa.

Ayon sa ulat, bagama’t malayo pa ito sa kalupaan, patuloy naman itong binabantayan dahil sa laki ng posibilidad ng paglakas.

Sinasabing nakapaloob ito sa intertropical convergence zone at inaasahang mag-iibayo pa sa mga susunod na araw.

Sa pagtaya ng nasabing weather agency, maaaring maging bagyo ito sa susunod na 48 oras.
Ayon naman sa pagtaya ng Pagasa, patuloy na magiging makulimlim ang malaking bahagi ng bansa dahil sa ITCZ.

Kabilang sa mga lugar na natukoy na may makapal na cloud formation ang Bicol Region, Visayas at Mindanao.
Ang temperatura ay maglalaro sa pagitan ng 24-33 degrees Celsius. Alex Ching

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply