Bagyong Henry nasa Japan na, pag-ulan sa RP patuloy

BAGAMAT nananalasa na sa parteng Japan ang bagyong si Henry, patuloy pa ring mararanasan ang masungit na panahon na may kasamang mga pag-ulan sa ibat-ibang panig ng bansa.
Batay sa final bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, huling namataan ang naturang sama ng panahon base sa satellite and surface sa 710 kilometro sa hilagang silangan ng Basco, Batanes o 100 kilometro sa timog kanluran ng Okinawa, Japan.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na 65 kilometro kada oras malapit sa gitna.

May pagbugso naman itong 80 kilometro bawat oras.

Sa ngayon, kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 17 kilometro kada oras. A Ching

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply