Bakit hindi ‘ideal’ food sa baby ang gatas ng hayop?

PINATUNAYAN na ng mga pag-aaral na walang kapantay ang gatas ng ina bilang pangunahing nutrisyon sa pagpapalai sa sanggol.  Ano man ang kalagayan ni baby pagkasilang nito, ipinapayo ng UNICEF at iba pang ahensiyang pangkalusugan sa mga ina na isulong ang breastfeeding dahil hindi lamang ito solusyon sa paglaban sa mga sakit kundi pinatatatag nito ang ‘bonding’ ni mommy at baby.

“There is no food most natural in the world and proven safest for human babies than breastmilk, and no choice most natural and proven safest than breastfeeding. Breastmilk is the perfect, irreplaceable gift a mother can give to her baby. It is the best start a baby can have in life,” ayon kay Sen. Pia Cayetano.

Pangunahing sangkap ng gatas mula sa hayop at tao ang fats, protein, carbohydrates, minerals, vitamins at water.  Pero nagkakaiba ang proporsyon ng sangkap nito sa uri ng protein at fats dahilan para ituring na hindi angkop ang cow’s milk-based formula na  ideal na pagkain para sa human infants ayon sa pag-aaral ng UNICEF.

Ang gatas ng ina ay may kakaibang nutrisyon para sa kakaibang nilalang.  High quality protein: Ang protein ay pangunahing halimbawa kung bakit maituturing na naiiba ang taglay nitong nutrisyon para sa human babies.  Mababa sa protina ang gatas ng ina kumpara sa gatas mula sa hayop partikular sa gatas ng baka.  Hindi ito nutritional deficiency ayon sa UNICEF.

Ang human infants  ay itinalagang lumaki ng dahan-dahan at hindi mabilisan.  Mahalaga sa paglaki ng sanggol na ma-develop ang malakas na pangangatawan, higit sa lahat ang brain development at social skills.  Nagsisimula ang pag-develop ng utak o kaisipan ng sanggol mula sa ‘close contact’ ng ina at sanggol habang karga siya ng ina.

Kung madodoble ang timbang ng sanggol ng wala pa sa 50 araw (gaya ng sa sanggol na baka) at patuloy pa na lumalaki at bumibigat, paano pa sila makakarga pa ng ina, makakausap para maging malapit sa isa’t-isa?

“Baby cows need to learn where to find the best grass in the meadow; baby humans need to learn how to work with others so that everyone’s needs get met,” ayon sa pag-aaral ng UNICEF.

Bagama’t mababa ang taglay na protina ng gatas ng ina, mahalaga naman ang uri ng amino acids na bumubuo sa protina.  Isa sa amino acids na ito ang tinatawag na taurine at ang malalaking bahagi nito ay matatagpuan lamang sa gatas ng ina.  Napatunayan na sa mga pag-aaral na may mahalagang papel sa pag-develop ng utak at mata ng sanggol ang taurine.

“The body can’t convert other kinds of amino acids into taurine, so it’s presence in the human milk is significant.”  Dahil nga sa kahalagahan nito, sinimulan na ng ilang formula milk manufacturers ang pagdaragdag ng taurine sa artificial baby milks.

Ayon sa UNICEF, kung hahayaan sa refrigerator ang gatas at umasim, makikita ang dalawang kategorya ng milk proteins, ito ang tinatawag na  curds at whey. Ang  curd portion ay ang casein proteins, ang namumuong puti at ang likido nito ay ang whey.

Karamihan sa gatas ng baka ay casein protein, na mala-gomang protina, makunat at mahirap tunawin sa tyan ng sanggol.  Ang gatas ng ina ay mas mayaman sa whey kesa sa curd at ang nabubuong curd dito ay mas malambot at mas madaling tunawin sa tyan ni baby.

Kung mapapansin, mas madaling magutom ang sanggol na sumususo sa ina kesa sa formula-fed baby dahil sa mas madaling tunawin ang human milk proteins.  “It doesn’t take as much energy to to digest human milk as it does to digest formula.”  Ang madalas na pagspapasuso ng ina sa sanggol ay mas nakatitiyak na nabibigyan ang sanggol ng kinakailangan nitong atensyon mula sa sa ina.

Self-digesting fats:  Isa pang dahilan bakit mas madaling tunawin ang gatas ng ina ay dahil sa fats sa human milk.  Taglay nito ang enzyme, lipase,  na siyang unti-unting tumutunaw sa taba para ma-absorbed ng mabuti sa bloodstream.  Ang fat ang mahalagang pinagkukunan ng enerhiya para sa sanggol.  “So the presence of the lipase makes the fat in human milk more available.”  Isa din ito sa dahilan kung bakit napakahalaga ng gatas ng ina sa premature babies, na nangangailangan ng karagdagang lakas habang lumalaki dahil ‘very immature’ ang digestive systems nito.

Mahalaga ang espesyal na uri ng fats sa gatas ng ina para sa ‘brain development’.  Habang lumalaki ang sanggol ang nerves nito ay nababalot ng substance na tinawag na mayelin.  Ito ay tumutulong sa nerves na maghatid ng mga mensahe sa ibang nerves sa buong katawan at utak.  “To develop high quality  myelin, the body needs certain types of fatty-acids—linoleic which are found in large amounts in human milk.”

Ang fat content ng gatas ng ina ay unti-unting nagbabago.  Sa pagpapasuso ng ina sa sanggol ay mababa sa simula at tumataas sa huli.

Kaya sa mas  madalas na  pagpapasuso sa baby, nakukuha nito ang high fat milk  at calories.
“Longer intervals between feedings bring down the fat content of the milk stored in the breast.”  Kaya nga sinasabi ng UNICEF na mali ang nakasanayang 3-4 na oras na scheduled style ng pagpapasuso base sa nutritional fact ng gatas ng ina.

Pangunahing sangkap ng gatas ang protein, fats, vitamins, minerals at water. Nagbabago araw-araw ang hormones levels ng ina pagkapanganak at nagsisimula siyang makapag-prodyus ng maraming gatas.  “Colostrum gradually changes into mature milk—the stuff babies have been thriving on for thousands of years,” ayon sa UNICEF.

Ang colostrum ay yellowish milk na unang lumalabas sa dibdib ng ina pagkapanganak at mahalagang sangkap bilang panlaban sa mga sakit ng baby pagkapanganak.  Saan man galing ang gatas, hayop man o tao, ang nabanggit na mga sangkap nito ay mahalaga sa pagpapalaki ng kanilang sanggol.

Sa pag-aaral ng UNICEF, nabatid na mahalaga ang protina mula sa gatas ng ina (human milk) dahil mas mayaman ito sa taurine kesa mula sa gatas ng hayop na mahalaga sa pag-develop ng utak ni baby at mata nito.  Mas madaling tunawin ni baby ang protina sa gatas ng ina kesa sa formula milk kaya’t mahalaga ang mas madalas na pagpapasuso.  Higit sa lahat nade-develop din ang bonding ng mag-ina.

Ang fats naman ang tumutulong para sa mas mabilis na pagtunaw ng protina sa katawan ng sanggol.  Kaya nga mali ang nakaugaliang 3-4 na oras na pagpapasuso.  Napatunayan na ang longer intervals ng breastfeeding ay nagpapaudlot na makuha ni baby ang fat content sa gatas ni mommy.

Sa patuloy na paglobo naman ng malnutrisyon sa bansa, pinatunayan din ng UNICEF na ang gatas ng ina ang pinakamabisang panlaban ditto.  “Sa Pagkaing Tama at Sapat, Wastong Timbang ni Baby ang Katapat”.  Ito ang ang isinusulong ng pagdiriwang ng Nutrition Month ngayong Hulyo 2010.
Kumpiyansa ang UNICEF, World Health Organization (WHO), at Department of Health (DOH) na pinakamabisang pagkain ni baby ang gatas ng ina sa loob ng unang anim na buwan nang walang halong tubig o anumang likido maliban dito.

Sa Pilipinas, base sa tala ng naturang mga ahensiya, 34 porsyento lamang ng mga ina ang ekslusibong nagpapasuso sa loob ng anim na buwan Vitamins at minerals: Hindi mapapantayan ng vitamins at minerals na nakalista sa formula can sa gatas ng ina kahit na ikumpara ito ng ‘milligram by milligram’.

Alam mo ba na kapag nais malaman ng mga mananaliksik kung gaano karami ang partikular na bitamina at mineral na kailangan ni baby kada araw, inaalam muna nila kung gaano karami ang nasabing nutrients na taglay ng human milk o gatas ng ina at anong dami ng gatas ang dapat na
ibigay sa sa baby depende sa edad nito.

Ang calcium, phosphorous, at iron ay mahahalagang minerals na taglay ng gatas ng ina kesa sa formula milk.  Nasa 50-75 porsyento ng iron sa breastmilk ay na-absorbed ng baby.

“Baby’s immature intestines are required to dispose of the excess. Meanwhile, the excess unabsorbed minerals (specially iron) can upset the “ecology of the gut”, interfering with the growth of healthful bacteria and allowing harmful bacteria to flourish.  This is another reason formula-fed infants have harder, more unpleasant smelling tools,” ayon pa sa pananaliksik ng UNICEF.  “In essence, breastmilk puts nutrients where they belong—in baby’s blood, not in baby’s
bowel.”

Kaya sa mga magiging ina at bago pa lamang nagsilang ng kanilang baby, huwag nang magdalawang-isip na mag-breastfeed dahil tiyak ang kalusugan ni baby.

Pagpapasuso sa panahon ng kalamidad: Sa panahong ito na nagsisimula na naman ang tag-ulan, may posibilidad na maulit ang paglikas ng mga pamilya sa isang ligtas na evacuation center.  Sa ganitong lugar, limitado ang espasyong ginagalawan, problema sa tubig at sanitasyon sa paligid.

Ipinapayo ng health experts na mas lalong kailangan ang pagpapasuso ng ina sa sanggol sa ganitong mga sitwasyon.  Ang gatas ng ina ay malinis, hindi na kailangan pang maghanap ng malinis na tubig at pakuluan, laging handa sa anumang oras na kailanganin ni baby.

Celebrity Mom:

Si, TV host business woman ay itinalagang Special Advocate for Children sa ilalim ng UNICEF dahil sa kaniyang personal na pagsusulong ng breasfeeding sa kaniyang dalawang mga anak.

Ayon kay Paez, sa kaniyang unang pagbubuntis pa lamang, hindi na siya nagdalawang-isip na mag-breasfeed dahil sa mga pananaliksik at pag-aaral na kaniyang natuklasan.

“There was no debate in my mind.  I just it was natural to breastfeed after giving birth.  During my first pregnancy I had a lot time to read and research because I was on complete bed rest for two months. On my 4th month of pregnancy, I developed a subchorionic hematoma (a blood clot in my uterus).  This threatened the life of my then-unborn Sophia.  As soon as we got over the hurdle I knew in my heart I would do anything humanly possible to give my daughter the best I could as a
mother.  When she was born, I realized that all a baby needed was a blanket, my hugs, and my milk—no fancy toys or clothes,” ayon kay Paez sa isang panayam ng UNICEF.

Dahil sa paniniwala na ang gatas ng ina ang pinakamabisa at pinakaligtas na pagkain na maaaring ibigay ng ina sa anak, naniniwala si Paez na malalgay sa panganib ang buhay ng sanggol kung ipagkakait ito sa baby.

“In addition, if baby’s don’t receive breast milk, then they are not receiving important antibodies that protect them from diseases and sickness,” diin pa ni Ms. Paez. Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply