Bakit maraming bastos na tauhan ang MIAA

“NAKAKAPIKON ang babastos!”

Yan ang nagngingitngit na bulong ng ating uzi makaraang makita nito ang kabastosan ng ilang mga tauhan ng Manila International Airport Authority na pinamumunuan ni Gen. Mgr. Jose Honrado.

Kahapon ng madaling araw ay dumating si P-Noy mula sa Estados Unidos.
Kanya-kanyang porma ang mga gabinete at tauhan ng MIAA.

Kasama sa mga sumundo kay PNoy ay sina AFP Chief of Staff  Gen. Ricardo David Jr. at si PNP Dir. Raul Bacalzo.

Pero mukhang sumobra naman ata ang porma nitong isang staff ng Public Affairs Office na si Grace Apolonio.

Sa halip na pumapel ito bilang PR ng MIAA sa mga bisita nagpakuha pa ito ng litrato kasama ang isa sa mga opisyal ng Malakanyang.

At alam n’yo ba kung sino ang ginawang cameraman? Si PNP Ch. Raul Bacalzo ang ginawang maniniyut o mangongodak.

Sabihin na nating si chief PNP ang nagpresentang maging inyong maniniyut. Hindi ba’t napakaboba mo naman na pumosing ka pa rin sa harap ng isang opisyal na may apat na estrelya sa balikat?

Kaunting respeto lang, Ms Apolonio. Kung ayaw n’yo hong respetuhin yung tao, kahit na ho yung “UNIPORME” na lang.

Hooops! Huwag n’yo pong idedenay, Ms. Apolonio, dahil kuhang-kuha ho sa CCTV sa Departure area elevator entrance ang posing n’yo.

Isunod naman natin ang mga airport police na talaga nga namang ang kakapal ng mukha. Naghanda ng breakfast para kay PNOY at sa mga dignitaries ang MIAA.

Hindi pa man nakakaalis ang cabinet secretaries na nag-uusap sa lounge ay walang hiya-hiyang kumuha na ng pagkain ang tatlong itlog na airport police na sina Alday, Baybaya at Jamisola na kung titingnan mo ay mukha naman talagang gutom na gutom.

Hindi po naniniwala ang ULTIMATUM na lahat ng airport police ay bastosmaliban sa tatlong itlog.

Sina Lt. Vic De Leon at Cpl. Dangilan na papasok na sana ng lounge para kumain ngunit agad na umatras nang makitang nasa loob pa sina Sec. Alcala, Lacierda, Soliman, Abad  at Carandang.

Hinintay muna ng dalawa na umalis ang mga gabinete bago pumasok uli sa loob at kumain.

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.
Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply