Bangkay ng anak ni Arum natagpuan na

NATAGPUAN na ang bangkay ng anak ni promoter Bob Arum na si John Arum sa estado ng Washington .
Makaraan ang matagal na paghahanp, ang wala nang buhay na katawan ni Arum, na 49-anyos at nakatatandang anak ng Hall of Fame promoter, ay nasa masukal na lugar ng Cascade Mountains, mga 85 milya ang laro sa hilagang silangan ng Seattle.
Ang mahusay na mountaineer at environmentalist lawyer na si Arum ay bumagsak nang mag-solo climb mga 8,515-foot mula sa tuktok ng bundok ng Storm King.
Matatandaan na tinatangka na niyang umakyat sa 100 highest summits sa Washington .
Nasukat na rin ang kakayahan ni Arum nang maakyat niya ang 82 sa mga ito.
Nakikidalamhati na rin ang buong boxing world at maging si Manny Pacquiao sa naulilang pamilya ng biktima. GP

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply