Banta ni Kernel Santiago

LINTEK din naman ang ilang opisyal ng National Capital Region Police Office dahil sa labis ang galit sa isa naming reporter na nagbunyag ng kaaliwaswasan na pinaggagawa ng ilang tiwali sa naturang sangay ng kapulisan.

Ayon sa aming reporter na si Gaynor Bonilla, na hinarang siya ng isang Kernel SantiaGAGO, este… Santiago pala saka inalipusta at pinagmumura.

Ang dahilan, ibinulgar ng pahayagang ito ang pangongotong ng dalawang kernel diyan sa NCRPO sa mga tinatawag na sugal lupa na gaya ng jueteng, video karera, saklang patay, loteng, peryahan at kung ano-ano pang number games.

Pero ang pinaka-matindi, nang-ismol pa si kernel at nagsabi na “Wala iyan! Kahit banatan pa kami araw-araw. Remate lang iyan at Remate Tonight!”

Bakit kaya galit na galit si kernel pero noong isinusulat namin ang kanilang mga papogi points ay ni hindi man lamang marunong magpasalamat?

Nagagalit ba siya dahil sa nabuking ang kanilang pagiging kotongero na sa halip na sila ang humuhuli sa ipinagbabawal ng batas ay sila pa ang nagbibigay proteksiyon sa mga ito!

Kung hindi totoo, bakit namin malalaman ang pangalan ng kolektor nila na si PO3 Aguas. Bukod nga kay kernel Santiago ay malaki rin ang nagiging bahagi ni kernel Magnanakaw, este…Bulalacao pala!

Umaabot sa higit P800,000 ang nakokolekta ng dalawang ito sa iligtal gambling.

Dapat sana, isama ang mga ito na iginigisa sa Senado. Kung sa bagay, maaari pa naman silang ihabol at nakakasira sila sa sangay ng kapulisan!

Tingnan nga natin kernel Santiago kung hanggang saan ang pang-iismol mo sa aming mga pahayagan!

Aabangan po namin ang mga susunod na mangyayari at marami pa kaming ibubulgar hinggil sa inyong pinaggagawa nila kernel Bulalacao! Umalis kayo sa puwestong iyan!

KABATAANG NAKAGAWA NG KRIMEN, ITUTUWID ANG DAAN

Bilang pagtalima sa isinasaad ng Republic Act (R.A.) 9344 o ang The Juvenile Justice and Welfare Act, inatasan  ang Yakap Bata Holding Center  sa pamumuno ng City Social Welfare Department na ipagpatuloy ang pagkalinga sa mga Child in Conflict with the Law (CiCL) sa nasa kanilang pangangalaga.

Nakasaad sa Section 4 ng R.A. 9344, The youthful offender is considered “child in conflict with law who is alleged as, accused of, or adjudged as, committed an offense in Philippine laws”

Marami sa mga kabataan ang naakusahan, napagbibintangan sa paggawa  ng krimen na kung minsan hindi naman kagustuhan o napipilitan lamang tulad nang pagnanakaw,  dahil na rin sa  kakulangan ng pag-aaruga ng kanilang mga magulang.

Isa dahilan ng mga kabataang ito ang nararanasang matinding kahirapan kaya napipilitang gumawa ng krimen na nagiging dahilan sa pagkakakulong.

Nitong nakalipas na buwan, sumailalalim ang mga  kabataang ito sa mga seminar at lectures na makatutulong  sa kanila upang ganap na maging mabuting mamamayan.

Kasama rin sa itinuturo sa mga kabataang ito ay ang pagtugtog ng gitara, piano, pagkanta at iba pang pagkaka-balahan upang hindi mainip habang nasa pangangalaga ng city social welfare department.

Kung sino man ang nakakakita ng hindi maganda o anomalya sa inyong paligid, maaari kayong mag-text sa CP#09213813053 o mag-email sa arnold1127161@yahoo.com. Arnold Pajaron

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply