Bar exam 2 beses binomba, 24 sugatan

NABULABOG ang huling araw ng bar exam matapos ang dalawang sunod na pagsabog kung saan may 24 katao ang nasugatan kahapon ng hapon sa Taft Ave., Ermita Maynila.
nagkagulo ang halos may 20, 000 kataong tagasuporta, kaanak at kaibigan ng 5,012 . examinees sa tapat ng Dela Salle University, sa panulukan ng Vito Cruz at Taft Avenue , sa Malate, Maynila. kahapon ng hapon.

Ang mga nasugatan ay kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa pagamutan kung saan 15 dito ay dinala sa Ospital ng Maynila habang  siyam naman sa Philippine General Hospital (PGH).

Ayon sa mga operatiba ng Explosives and Ordnance Division (EOD) ng Manila Police District (MPD) , hindi pa nila matukoy kung isang pillbox ang sumabog o ang gamit na pyrotechnics ng mga cheering group mula sa iba’t ibang unibersidad.

Naganap ang insidente dakong 5:30 ng hapon, habang naglalabasan na ang mga examinees habang kaniya-kaniyang tradisyunal na ‘salubong’ ang isinasagawa ng Cheering groups, na may kaniya-kaniya ding lugar na pinagtitipunan.

Pawang mga sugatan lamang mula sa beywang hanggang sa paa ang mga biktima.

Nabatid na nagkapikunan umano ang mga estudyanteng kabilang sa cheering squad hanggang sa may maghagis umano ng pyrotechnics, ngunit nasundan ito ng napakalakas na pagsabog kung saan nagkalat ang dugo ng mga sugatan.

Posibleng nakuha din umano ang sugat sa mga boteng binasag ng iba’t ibang grupo na pinambabato sa nakaka-alitang mga estudyante ng ibang uinibersidad. Jocelyn Tabangcura Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply