Barangay, SK election tuloy na; mga kontra ‘bumigay’

WALA  nang sagabal sa nakatakdang halalan ng Barangay at Sangguniang Kabataan sa Oktubre dahil iniurong na ni Sen. Ferdinand “Bongbong Marcos Jr., ang  mga panukalang ipagpaliban ang naturang eleksiyon.

Sa kanyang manipestasyon sa Senado kahapon, sinabi ni Marcos na wala nang saysay kung ipagpapatuloy pa ang pagdinig sa panukalang ipagpaliban ang barangay election alinsunod sa Senate Bill No. 60 at 2377 dahil tinutulan ito ng Palasyo.

Nagkasundo ang ilang congressional leaders sa pulong na naganap sa Palasyo noong Agosto 24 na nagdesisyon si Pangulong Benigno  Aquino  na ituloy ang Barangay at SK Election sa Oktubre 25.

“In that meeting with Congressional leaders, President Aquino prevailed upon the members of the House majority to vote down any bill that would postpone the elections,”  wika ni Marcos.

Sinabi ni Marcos na kailangan nang “itago sa  baul” ang lahat ng panukalang magpapaliban sa naturang halalan dahil masasayang lamang ang panahon kapag ipinagpatuloy pa ng Senate committee on local governments ang pagdinig.

“In view of these developments and in the interest of good order, it is therefore the decision of this representation, as Chairman of the Committee on Local Government, to archive Senate Bills 60 and 2377, and the proposed draft Committee Report, for record purposes,” dagdag ni  Marcos.

Inilagay din ni Marcos sa kasulatan ng Senado na kung may pagkakataon o nasa tamang panahon na puwede nang kalkalin ang batas na lumikha SK at pagsasabay ng  barangay election sa national at local election sa 2013.

“May I respectfully emphasize Mr. President that this is without prejudice to the continuation of deliberations on the proposed reorganization of the Sangguniang Kabataan and also the question of synchronization of Barangay and SK elections with national and local elections in 2013, all of which are to be conducted at the proper time,” paliwanag ni Marcos.

Nitong nakaraang linggo, nagsagawa ng sunod-sunod na pagdinig ang naturang komite upang makuha kaagad ang inputs o pananaw ng iba’t ibang sektor sa panukalang ipagpaliban ang Barangay at SK election, na siyang sinusuportahan ng karamihan sa senador. Ernie Reyes


1 Response for “Barangay, SK election tuloy na; mga kontra ‘bumigay’”

  1. kathlene says:

    tuloy na po ba ang barangay at sk election sa darating na 2013?

Leave a Reply

*
Tama si Ate Vi, damn if you do, damn if you don't....
Diyos ko, epitome of graciousness? If I know nagng...
Mariang Makiling...khit nmn ako o tayu laht mali p...
Maglabas ka ng ebidensiya mariang palad ay makilin...
Hoy Bakla d nman halatang maka Vilma ka dahil ba i...
Hindi lang ang choreographer ang may kasalanan dya...
Ano ba itong babaeng ito, parang walang breeding t...
Kaya pala sobrang blessings meron itong si Daniel ...
Nakarespeto ang mga kabataang ganito na hindi lang...
Magandang proyekto ito. Maraming mahihirap na mam...

BREAKING NEWS


© 2014 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.