Barangay tserman patay sa ambush

BATANGAS-Patay ang barangay chairman habang sugatan ang driver ng tricycle na sinasakyan nito matapos pagbabarilin ng dalawang armadong lalaki na lulan ng motorsiklo sa Brgy. Pulong Niyogan, bayan ng Mabini nitong Lunes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Joseph Sandoval, 44 anyos, barangay chairman sa nasabing lugar na agad binawian ng buhay matapos mapuruhan ng tama ng bala sa ulo. Isinugod naman sa pagamutan ang sugatang tricycle driver na si Ali Aranas.

Sa report na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang pamamaslang sa biktima sa bisinidad ng Brgy. Pulong Niyogan sa bayang ito, bandang alas -5 ng hapon.

Sa ulat, lulan ng tricycle ni Aranas ang biktima nang harangin ng dalawang armado. Nang masigurong napuruhan ang target ay agad nagsitakas ang mga suspek.

Inaalam pa ng mga tauhan ng Mabini PNP kung may kaugnayan sa nalalapit na barangay election ang motibo sa pamamaslang. Verlin Cruz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply