Barkong pangisda nasunog

NABULABOG ang mga empleyado ng Navotas Shipyard nang biglang magliyab ang isang ginagawang barkong pangisda, sa Navotas City.

Base sa impormasyon ni F03 Gastilo ng  Navotas City Fire Department, dakong alas-8:05 ng umaga nang biglang magliyab ang M/V Epirose, pag-aari ng Mercador Shipping Company, habang ginagawa ito sa Navotas Shipyard na matatagpuan sa M. Naval st., Brgy, San Roque ng nasabing lungsod.

Mabilis namang rumeponde ang mga bumbero sa sunog at makalipas ang isang oras ay agad ding naapula na puminsala sa mahigit P100,000 halaga ng mga gamit sa loob ng barko.

Sa pagsisiyat, kasalukuyang naghihinang sa ibabang bahagi ng barko ang mga tauhan ng Navotas Shipyard nang biglang magliyab ang isang bahagi ng sasakyang pandagat.

Wala namang naiulat na nasaktan o namatay sa naganap na sunog ngunit pansamantala namang nahinto ang hanapbuhay sa loob ng Navotas Shipyard dahil sa pagliyab ng isa sa mga ginagawang barko dito. Roger Panizal

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply