Batang ginahasa’t pinatay lumutang sa ilog

NATAGPUAN  ang isang batang babae na palutang lutang sa ilog na pinaniniwalaang hinalay bago pinatay, sa San Mateo Rizal.

Inilarawan ang babaeng biktima na nasa pagitan ng edad pito hanggang siyam na  taong gulang, nakasuot ng pang itaas na damit at walang saplot sa pang ibabang bahagi ng katawan nito.

Nakita ang bangkay ng biktima ganap na alas-10:15 ng umaga, sa Brgy. Maly sa nabanggit na bayan, makaraang ipagbigay alam ng kapitan ng barangay sa himpilan ng pulisya.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasiyon ng pulisya para sa pagkakakilanlan ng biktima at para mabatid ng mga kamag-anak ang nangyari saka malaman kung sino ang huling kasama nito noong nabubuhay pa.

Posible rin itinapon lamang ang bangkay ng biktima sa ilog para iligaw ang mga awtoridad dahil hanggang sa ngayon ay wala pang nakakakilala na mga tagaroon sa bata. Jun Ferrer

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply