Bb. Pilipinas International Krista Kleiner, inabswelto si Venus Raj

PATULOY nga ba ang tensyon sa pagitan ng dalawang beauty queen, ang Binibining Pilipinas-Universe at 4th runner-up sa katatapos na 2010 Miss Universe na si Venus Raj at ang Binibining Pilipinas-International na si Krista Arrieta Kleiner?

Sa isang fashion show sa Activity Center ng Ali Mall noong Linggo, magkasabay na rumampa sina Venus at Krista kasama ang ilang mga beauty queen at mga basketball player ng Philippine Basketball Association.

Bagamat kailangang nakaidya sa paglakad sa entablado ang isang fashion model, ito rin ba ang damdamin nina Krista at Venus sa tunay na buhay?

Ito ay sa gitna ng naglalagablab sa balitang si Kleiner ang pinaghihinalaan ng kampo ni Raj na nagkalat ng malisyosong balita na peke ang birth certificate ng Fil-Hindu kaya pansamantalang na-dethrone bilang Binibining Pilipinas-Universe bagamat nagawan ng paraan ang sitwasyon.

“I was charged of circulating the false birth certificate issue which was not true,” pahayag ni Krista sa isang eksklusibong panayam.

***
Kaya nga ba nagkaroon ng lamat ang samahan ng dalawa at patuloy na may sumusubo at nagngangalit na damdamin ang bawat isa sa kanilang kalooban?

Kamakailan ay tinapunan ng isyung dethronement si Kleiner kaugnay sa mga malisyosong balita na nakasulat sa umano’y blog ni Venus.

“We found out that the blog comments were associated with Venus because they had Venus’ name on the pages. So I immediately asked Venus about it. She was worried because she didn’t write anything wrong about me in the Internet. She looked them up and was more than sad because some people are using her name to discredit me.

“I asked her to please delete the pages and they disappeared. People were really using her name and she also felt bad about it. Things that I would be dethroned were made in the pages,” pahayag ni Krista.

Pero pagkatapos na mabura ang mga pahina ay may lumabas muling mga komento at nakaladkad muli ang pangalan ni Venus.

“So I talked to her again. She again found out that a new page was created to discredit her. There were again nasty comments against me,” paliwanag ni Kleiner.

Sa pamamagitan ni Raj ay nabura na naman ang masasama at mga malisyosong komento sa web.

***

Pero si Krista rin ang nagtanggol kay Venus. “We are friends and everything was already settled. I don’t think Venus could do that,” depensa ni Krista.

Nang sila nga ay mag-show ay magkatabi pa sa upuan ang dalawang reyna ng kagandahan at nagtsikahan pa.

Umaasa si Krista na maiuuwi niya ang Miss International crown mula sa Beijing, China.

Aalis si Kleiner sa ika-20 ng Oktubre, 2010 at hindi totoong madi-dethrone siya.

“We are already training so it’s not true that I would be dethroned,” pahayag ng beauty queen.
***

Makakasama ni Krista sa Beijing ang kanyang kasintahang si Jay-R at bagamat hindi opisyal na kakanta ang R&B singer sa beauty pageant, aawitan naman niya nang personal ang kasintahan upang bigyan ng lakas ng loob sa paglaban sa timpalak.

“I wish her all the best,” pahayag ni Jay-R.

Aminado ang mang-aawit na mahigit isang taon na silang magsyota ni Krista.

Susunod si Jay-R sa Beijing mga ilang araw pagkatapos umalis ng beauty queen na dating contract artist ng GMA Network nang siya ay co-host ni Arnell Ignario sa “Go Bingo.”

Kinikilig nga si Krista sa pagsama ng kanyang boyfriend pag nakipaglaban siya sa pandaigdig na paligsahan na inaasahan niyang magbibigay sa kanya ng karangalan. Boy Villasanta

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply