Beckham may sex scandal

Nagbanta ngayon si English football star David Beckham na magsasampa ito ng kaso laban sa former prostitute na nagpakalat ng umano’y sex scandal nila ng Los Angeles Galaxy midfielder.

Una rito, lumabas sa isang tabloid ang pahayag ng 26-anyos na si Irma Nici, isang “high-class call girl” ang umano’y relasyon nila ni Beckham.

Binanggit pa ng babae na binayaran pa umano siya ni Beckham ng $10,000-a-night para sa limang gabi na sex.

Sa ipinalabas na ulat  ng spokesman ni Beckham, nagbanta ang soccer player na kanilang kakasuhan ang magazine na nagpalabas ng nasabing “ridiculous” na istorya.

Si Beckham ay kasal sa former Spice Girls na si Victoria Adams o mas kilala bilang si “Posh” sa nabanggit na all-girl group.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply