Bembol Roco dares Mario O’Hara to acting duel

BIGLANG-BIGLA, marami ang naintriga at nagulantang nang dumating sa gala presentation ng dulang “American Hwangap” ng Tanghalang Pilipino sa Tanghalang Aurelio Tolentino o Cultural Center of the Philippines Little Theater si Rafael Roco, Jr., kilala rin sa tawag na Bembol Roco, dahil ang nakatoka sa kanya ay ang Ingles na bersyon ng dula samantalang sa Filipino ang itatanghal ng gabing ‘yon ng Biyernes.

Nasa may unahan pa naman ng dulaan si Bembol at makikita niya nang malapitan ang pag-arte ng mga bituing sina Gina Pareño at Mario O’Hara sa Tagalog na salin ng dramang isinulat ng Koreyanong si Lloyd Suh at isinalin sa Filipino ng feministang mandudulang si Joi Barrios-Leblanc.

At umarangkada na nga sina Gina, Mario, Liesl Batucan, Nicco Manalo at Jeremy Domingo sa kanilang eksplosibong pagganap at wala kang itulak-kabigin sa mga ito sa pag-arte.

Nakatunganga sa kanila si Roco na ninanamnam ang bawat kilos at pananalita at silokohikal na pagbabanyuhay ni O’Hara bilang Koreyanong ama na nagbabalik sa kanyang pamilya sa Texas pagkatapos ng labinlimang taong pagkawala para ipagdiwang ang kanyang “hwangap” o animnapung kaarawan na nagtatapos sa sirkulo ng Eastern zodiac.

***

Pinalakpakan sina Pareño, Mario, Liesl, Nicco at Jeremy pagkatapos. Nakipalakpak ang tagapangulo ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino na si Roland Tolentino, ang opisyal ng National Commission for Culture and the Arts at Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit na si Elmar Ingles, si Juana “Mae Paner” Change at Bembol.

Pagkatapos ay nagsalita si Roco na “ibang-iba ang interpretasyon ko sa role ni Mario. Kasi, iba ang nuances sa English ng original play. Magugulat kayo, iba ang acting ko. I should say,” humigit-kumulang na pagdi-dare ni Rafael sa kanyang pagsabak sa English version ng kanyang interpretasyon katambal si Celeste Legaspi ngayong weekend na ito.
Hindi nawawaglit kay Bembol ang kompetisyon at pagpapaiba ng kanyang atake sa kanyang papel na papel din ni O’Hara.

***
Hinandugan ni ng executive ng Star Cinema na si Tess Fuentes ng  bouquet of flowers si Gina bilang pagkilala at paghanga sa walang kamatayan at versatile na pagganap ng beterang aktres sa kauna-unahang pagtugpa niya sa teatro.

Kaya dapat na may dula siyang ginagampanan nang regular bukod sa kanyang TV shows at pelikula.

Parang beterana na rin sa tanghalan si Pareño dahil sa kanyang husay sa live na pag-arte nang walang sumisigaw ng cut!

Bagamat halatang kung minsan ay nag-a-adlib sina Gina, okey lang dahil sa hinihingi ng dula.

***

Mag-boyfriend sa tunay na buhay sina Liesl at Jeremy at bagay na bagay sila kahit sa entablado.

Wala pa silang balak na pakasal pero mukhang gustung-gusto si Domingo ng mga Batucan.

Lovelife din ito ng mga artista kaya kailangang gawin ding popular ang pribadong buhay nina Liesl at Jeremy.

Hindi naman nawala sa audience si Jose Manalo, ang komedyanteng tatay ni Nicco sa totoong buhay.

Naka-back-pack pa si Jose nang personal na sumugod sa CCP para bigyan ng lakas ng loob ang magaling na anak.

***
Samantala, ipinagtapat ni Mario na tinanggihan mismo ni Robbie Tan ng Seiko Films at Monitoring Head ng Cinemalaya Independent Film Festival ang lahok ni O’Hara sa Directors Showcase na “Henerala,” ang buhay ng babaing mandirigmang si Gabriela Silang na ipinaghiganti ang pagpaslang ng mga Kastila sa kanyang asawang rebolusyonaryo na si Diego Silang.

“Ayaw na raw nila ng historical films. Ang gusto raw nila ay ‘yong mga puwedeng panlabas sa mga  international film festival. ’Yong parang mga ’Insiang.’ Kaya ‘yon, hindi ako tinanggap,” pahayag ni Mario samantalang sumunod naman siya sa palugit kahit na wala pa sa screening committee ang kanyag materyal.
“Gusto ko sana sa Cinemalaya, kasi, maganda ang publicity and promotions. Madadala ang project,” sabi ni Mario.
Pero maitatanong, hindi ba’t Cinemalaya ito at nagbibigay ng kalayaan sa mga alagad ng sining o filmmaker na mailabas ang kanilang mga liberal na pagtrato sa pelikula na hindi madidiktahan pero bakit may prior restraint na agad si Robbie?

Gayunman, hindi nawawalan ng pag-asa si O’Hara na baka isang araw ay tawagan din siya ni Tan at sabihing okey na ang mga historical film na kinakagat din sa mga pandaigdig na pestibal. Boy Villasanta

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply