Big-time PR firm itinatwa ng Palasyo

PUMIYOK ang Malakanyang sa ulat na nag-hire si Pangulong Aquino ng PR firm para sa kanyang publisidad habang nasa Estados Unidos.

Binigyang diin ni Communication Group Secretary Ricky Carandang na standard operating procedure (SOP) sa isang  foreign government o gobyerno na bumisita sa ibang bansa ang makipag-ugnayan sa serbisyo ng iba’t ibang PR firms upang sa gayon ay matulungan sila na ma-expose sa US media.

“I would venture to say na hindi lang Pilipinas ang nag-hire ng PR firm for the purpose of this visit. Ang daming bansa ngayon ang nagpunta sa US; ang daming mga leaders na nagpunta sa US and I know that it’s SOP for any foreign government to do that,” ang pahayag ni Sec. Carandang.

Subalit, nilinaw ni  Carandang na maliit na halaga lamang ang nagastos ng pamahalaan dito.

“Absolutely not, much, much lower than that.  It’s a modest amount…modest amount even by Philippine standards.I’m not sure if I’m gonna disclose that but I will ask kung pwede—‘pag pwede sasabihin ko sa inyo. But I can tell you it’s a modest amount. It’s a small amount,”  dagdag ni Carandang.

Pero sinabi ni Carandang na malinaw na sobra sa P25 milyon ang nagastos sa biyahe ng Pangulong Aquino subalit hindi  lalagpas ng P45 milyon gaya ng nauna nang napaulat.  Kris Jose

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply