Biker nalasog sa kotse

NADUROG ang katawan at basag ang ulo ng isang lalaki makaraang kaladkarin at magulungan ng kotse, kahapon, sa Quezon City .

Inaalam pa rin ng pulisya ang pagkakilanlan ng biktimang nasa edad 30-35, may-asawa, kayumanggi, naka-t-shirt ng puti at itim na pantalon.

Agad namang sumuko ang suspek na si Ryan Santos, 32, may-asawa, walang trabaho, ng Spring Drive, Congressional Village Phase, ng nasabing lungsod.

Sa ulat ni SP02 Reynaldo Patiag, naganap ang pangyayari dakong alas-3:30 ng madaling araw sa tapat ng 96 Hereford st.,kanto ng Congressional ave., Brgy. Bahay Toro sa lungsod.

Napag-alaman na minamaneho ng suspek ang isang Honda Jazz na may plakang ZFA-385 sa naturang lugar nang salpukin ang likurang bahagi ng bisikelta ng biktima, dahilan para tumilapon at gumulong ito sa kalye.

Nagtamo ang biktima ng matinding pinsala sa ulo’t katawan na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Unang isinugod ng suspek ang biktima sa Sioson Hospital bago inilipat sa East Avenue Medical Center  subalit binawian din ito ng buhay. James de Jesus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply